Thu. Nov 21st, 2024

📷Shiela Guo

 

TINIYAK ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na agarang makakalaya si Shiela Guo sa kustodiya ng Senado sa sandaling irekomenda ito ni Sen. Risa Hontiveros ang humiling ng warrant of arrest laban sa kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Paalala ni Escudero kay Shiela maiging makipagtulungan na lamang sa pagdinig ng Senado upang mapadali ang kanyang paglaya.

Matatandaan nilabasan ng warrant of arrest si Shiela matapos na isnabin niya ang pagdalo sa pagdinig ukol sa kontrobersyal na usapin pa din ukol sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na nauna nang pina-ban ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..

Ganap na alas-12;59  ng hapon ng Lunes (Agosto 26) nang pormal na iturn over ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)  si Shiela sa grupo ng Senate of Sargent at Arms.

Ito ay upang matiyak na makakadalo si Shiela sa pagdinig ng Senado ukol sa kanyang kaugnayan sa mga kumpanyang naitayo na may kinalaman sa POGO.

Agad na sinuri ng medical team ng Senado ang kalusugan ni Shiela upang matukoy kung siya ay nasa maayos na kalagayan.

Magugunitang nauna nang ipinakita sa publiko ni Office of sargent at Arms (OSSA) Lt. Gen. (Ret.) Roberto Ancan ang kulungang paglalagyan sa Senado ng pamilya Guo  sa sandaling sila ay maaresto.

Tiniyak din ni Ancan na 24 /7 ang nakatalagang security kay Shiela upang matiyak ang kanyang kaligtasan. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *