Fri. Sep 13th, 2024

Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang publiko na lumahok sa Ikalawang Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika (2ndΒ  International Conference on Language Endangerment) na may temang Pagbibigay-lakas sa mga Katutubong Mamamayan tungo sa Pagpapasigla ng mga Wika (Empowering Indigenous Peoples towards Revitalizing the Languages). Gaganapin ito sa 9-11 Oktubre 2024, 8:00nu–5:00nh sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila.

Layunin ng Kumperensiya na mabigyang-lakas at kakayahan ang mga katutubong mamamayan o indigenous peoples (IP) sa pamamagitan ng kanilang pakikisangkot sa pagbuo ng mga patakaran, programa, at pananaliksik para sa pangangalaga ng kanilang wika.Β  Kinikilala ng ICLE 2024 ang angking kakayahan at kakanyahan ng mga IP sa pangangalaga ng kanilang sariling wika at kultura.Β  Sa International Decade of Indigenous Languages (IDIL) 2022-2032 Global Action Plan (GAP), tinukoy ang mga IP bilang isa mga key targets na pangkat na mahalagang maisangkot sa mga gawaing pangwika.

Kabilang sa mga magiging plenaryong tagapanayam sina Dr. Anna Belew, Endangered Languages Project; Dr. Siripen Ungsitipoonporn, Mahidol University; Jesus Federico C. Hernandez, University of the Philippines; Dr.Β  John Amtalao, De La Salle University; Dr. Voltaire M. Villanueva, Philippine Normal University; Rande C. Bayate, SILDAP; Frederick Barcelo, Bugkalot Old Testament Translator; Dr. Felipe P. Jocano Jr, University of the Philippines; at Tagapangulong Arthur P. Casanova, Komisyon sa Wikang Filipino.

BukΓ‘s ang rehistrasyon sa publiko para sa isandaan at limampung (150) kalahok lamang.Β  Narito ang halaga ng rehistrasyon:

  • PHP1,500 – mga magbabasa ng papel-pananaliksik
  • PHP2,000 – di-gradwadong mag-aaral
  • PHP2,000 – Direktor ng mga KWF Sentro ng Wika at Kultura
  • PHP2,400 – PWD/Senior Citizen
  • PHP2,500 – early bird rate
  • PHP3,000 – regular rate (local at foreigner)

Para sa detalye ng rehistrasyon at pagbabayad, i-click ang link na nasa ibaba, https://sites.google.com/view/icle2024/rehistrasyon

Maaari ding i-fill-out ang form ng aplikasyon sa link na nasa ibaba, https://bit.ly/ICLE-rehistrasyon_kalahok

Mahigpit na ipinagbabawal ang walk-in at tanging rehistradong kalahok lang ang tatanggapin. Ang deadline ng pagbabayad ay hanggang sa 30 Setyembre 2024 lamang. Makukuha ang Opisyal na Resibo sa mismong araw ng Kumperensiya.

Para sa mga katanungan at iba pang detalye ay mangyaring makipag-ugnayan sa [email protected] o numerong +63976-4820514.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *