📷House Committee on Public Order and Safety Chairman at Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez
SINUPALPAL ni House Committee on Public Order and Safety Chairman at Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez si Sen. Bong Go sa pahayag na nakinabang naman ang mga kongresista sa ipinatupad na drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Nagpapalakpakan po ang lahat, standing ovation. Tapos bakit ngayon sinisisi? Bakit na ibingayon mag-isa na lang siya? Hindi ba kayo nakinabang?” sabi ni Go kaugnay sa mga rebelasyon sa House quad committee sa madugong Duterte drug war.
Binigyan diin ni Fernanddez na ngayon lang naisiwalat sa publiko ang tunay na konsepto ng Duterte drug war na may pinapatay kapalit ng pabuya.
“Ngayon lang naman natin nalaman ang concept ng war on drugs. Kasi ako noong mayor at nagging congressman ako , ang aking assumption, ang war on drugs is really true. Walang ganoong klase ng patayan at bayaran upang ma-execute yung kanilang implementation ng plano sa war on drugs,” sabi ni Fernandez sa panayam sa programang StoryCon sa One PH.
“All we know ay mayroon tayong polisiya dyan na hulihin yung mga user at panagutin ang mga pusher. That’s even why nagtayo tayo ng Dangal Rehabilitation Center sa Sta. Rosa, Laguna. Nagtayo tayo ng Balay Silangan para sa rehabilitation ng mga pusher because we all know that the concept of the war on drugs is true and legitimate,” dagdag niya.
Giit niya, hindi alam ng mga kongresista na may ibinabayad sa mga pulis sa tuwing may itinutumba silang drug suspect.
“Now na lumalabas na ang isyu na mayroon palang binabayad sa mga kapulisan doon sa kanilang mga napapatay, mga nahuhuling user at pusher , that is something that is not known by the public officials, especially ng mga congressman,” wika ni Fernandez. (ROSE NOVENARIO)