Thu. Nov 21st, 2024

📷Koalisyong Makabayan senatorial bet Teddy Casiño

 

NANINIWALA si Koalisyong Makabayan senatorial candidate Teddy  Casiño na ang pakikipagkamay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating Vice President Leni Robredo sa isang pagtitipon sa Sorsogon ay isang pakulo upang lalong mag-alburuto ang naetspuwerang si Vice President Sara Duterte.

“If anything, this political stunt is something for the sidelined Sara Duterte to rant about,” ayon kay Casiño sa isang kalatas.

Bagama’t naging napakasaya aniya ni Marcos Jr. sa posibilidad ng ‘political reconciliation’ sa kanyang naging katunggali noong 2022 elections, ngunit wala itong gaanong naitutulong sa lumalalang oposisyon ng mamamayan sa kanyang rehimen.

The handshake between Pres. Ferdinand Marcos and former Vice Pres. Leni Robredo might have made Marcos feel “very happy” about a possible “political reconciliation” with his rival in the 2022 elections but it does little to assuage the people’s growing opposition to his regime,” sabi ni Casiño.

Anoman aniya ang kahulugan ng pakikipagkamay para kina Marcos, Robredo at ang broker nitong si Senate President Francis “Chiz” Escudero, ang katotohanan ay sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. ay nagdusa ng husto ang mga Pinoy.

Ang self-rated poverty ay nasa 58% ng mga pamilyang Pilipino, ang pinakamataas sa loob ng 16 na taon, ayon sa pinakahuling survey ng SWS.

Ang involuntary hunger, sa 22.9% ng mga pamilyang Pilipino, ay nasa pinakamataas din simula noong COVID-19 lockdown.

Sa kabila ng pakikipagkamay, pursigido aniya ang mga mamamayan sa layunin na panagutin si Marcos at ang kanyang gobyerno sa bagsak na ekonomiya, ang patuloy na impunity o kawalan ng pananagutan sa mga paglabag sa karapatang pantao, at ang pagtaas ng antas ng katiwalian at maling paggamit ng pera ng bayan.

“The shaking of hands notwithstanding, the people are intent on holding Marcos and his government accountable for the failing economy, the continuing impunity in human rights violations, and the increasing levels of corruption and misuse of government funds,’ wika ni Casiño. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *