“MAHIRAP magkasakit lalo na kung walang pera,” ito ang malungkot na napagtanto ni Deborah Sun matapos ma-diagnose to be suffering from colon cancer Stage 2.
Si Gigi–as she’s known in showbiz circles–ang latest subject ng vlog interview ni Julius Babao.
Sa kabila ng natuklasan niyang sakit, hindi si Deborah ang tipo na karaniwang pinanghihinaan ng loob bagkus she maintains a postive outlook.
Dala raw ‘yon ng katuparan ng kanyang kahilingan sa Itaas.
Aware of her health condition, Deborah confessed she prayed na sana raw ay benign ang cancer na dumapo sa kanya, or at least Stage 1 or 2.
Na siya ngang lumabas sa pagsusuri.
Ipinagdasal din ng aktres na huwag na siyang pahirapan sa pagpapa-chemotherapy, na nagreresulta sa pagkalagas ng buhok.
Awa ng Diyos, oral chemo ang tine-take niya.
Kahit paano–if only for this “lightened” ordeal–Deborah feels spared from the costly medical procedure and concommitant medications.
“Mahirap magkasakit lalo na kung wala kang pera,” aniya.
Aminado ang aktres na natakot siya upon learning about her ailment. Ang unang-una raw pumasok sa kanyang isip ay: “Paano na ang mga anak ko?”
But her strong faith–as well as her optimism–is what keeps her going as she grapples with her illness.
Many years ago, sa showbiz-oriented show na Startalk on GMA ay inamin ni Deborah na may iniinda siyang liver cirrhosis.
To continuously hold on to her faith, pinagkalooban siya ni Julius ng figurine ni St. Exequiel, patron saint ng mga cancer patients.
Puwera pa rito ang generous help in cash mula sa broadcast journalist.
Prior to Julius’ vlog interview with Deborah, dinayo niya ang bedridden na stroke patient na si Coritha in her partner’s house in Tagaytay City.
Layunin ni Julius na kahit paano’y tumugon sa mga pangangailangan ng personalidad na pini-feature niya.