Thu. Sep 19th, 2024

Pinatotohanan ni Vice Ganda ang kasabihang “Misery loves company.”

Sa segment na EXpecially For You ng It’s Showtime in its July 19 episode ay tinanggal ng binansagang Unkaboggable Star ang kanyang wig.

Iro’y bilang pagpapakita ng suporta sa searcher na si April na nagbahagi ng kanyang kuwento tungkol sa pakikipagkalas niya sa kanyang nobyong si Andrei na aniya “deserves to have a girlfriend better than her.”

Bukod kasi sa mga kinaharap na family problems ni April ay dumagdag pa ang pagkakaroon niya ng alopecia.

Ang alopecia ay ang pagkalagas ng buhok o pangangalbo. Isa ang stress sa mga maaaring pagmulan nito.

Dahil sa alopecia, nawalan daw si April ng kumpiyansa sa kanyang sarili. Nagdulot din daw ito ng labis na insecurity.

Naka-relate naman si Vice Ganda sa kuwento ni April.

Pero nalampasan na raw ng TV host-comedian ang mga panahong it had taken a heavy toll on her life.

Muli raw bumalik ang kanyang kumpiyansa knowing na nakatagpo siya ng isang lalaking tunay na magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang kalagayan.

Idagdag pa ang kanyang supportive na ina at kapatid–at ang Diyos.

Para tuluyang maibsan ang bigat ng kalooban ni April ay niyakap siya ni Vice Ganda, sabay tanggal sa kanyang peluka.

Paglilinaw niya, ang pagsusuot daw niya ng wig ay hindi para lumandi o umawra or for aesthetic purposes. Bagkus, wearing a hairpiece gives her power, hope and strength.

Maging ang mga co-hosts ni Vice Ganda’y naantig sa kanyang tinuran, much more the studio audience.

Hindi ‘yun ang unang pagkakataong tinanggal ng TV host ang kanyang wig. Back in 2019, bilang selebrasyon ng ikasampung anibersaryo ng It’s Showtime ay nag-perform si Vice Ganda sa Magpasikat kung saan tinanghal na winner ang kanilang grupo.

Nauso ang street lingo na “Ang haba ng hair mo!” bilang compliment sa isang babaeng ( o  bading na) sa paningin ng lalaki’y maganda o nangangabog ang hitsura.

Mukhang magbabago na ang popular expression, thanks to Vice Ganda.

With receding hairline comes beauty beyond question to be proud of.

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *