SINAMPAHAN ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ng kasong drug smuggling sa Department of Justice sina Congressman Paolo “Pulong”Duterte, Atty. Mans Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon, dating Presidential Adviser Allen Capuyan, Davao City Councilor Small Abellera, notorious drug smuggler na si Charlie Tan, at apat na iba pa, kaugnay ng P6.4 bilyong halaga ng shabu shipment na nasamsam noong 2017.
“This morning, I filed a case against Pulong Duterte and other members of the Davao group smuggling syndicate. This is the result of the Senate investigations conducted in 2017, in which we have identified Pulong, Charlie Tan, and Mans Carpio, as the masterminds behind the Php6.4 billion shabu shipment that was allowed to slip through Customs in collaboration with its Commissioner Nic Faeldon and former Presidential Adviser Allen Capuyan who was known as the ‘Big Brother, ” paliwanag ni Trillanes.
Noong Mayo ng 2017, P6.4 bilyong halaga ng shabu na tumitimbang ng mahigit 600 kilo ang nasabat ng mga awtoridad sa isang bodega sa Valenzuela City, matapos itong ilabas ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP).
Nagsagawa ang Senate Blue Ribbon Committee ng isang serye ng mga pampublikong pagdinig, na nagsiwalat na ang naturang kontrabando, sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga nagsabwatan, ay binigyan ng “green lane” na daanan upang makalusot sa alert system ng Bureau of Customs at hindi isinailalim sa pisikal na inspeksyon at beripikasyon ng dokumento.
“The conspiracy to import the subject shipment from China to the Philippines necessitated the crucial interventions of the ‘powerful insiders’- the corrupt customs leadership, and more importantly, the very powerful protectors who used their influence to consummate this unlawful crime of importation of billions of pesos worth of dangerous drugs into the country.”
Kinasuhan ni Trillanes ang 10 respondents ng paglabag sa Section 4 kaugnay ng Section 26(a) ng Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na inamyenda ng Republic Act No. 10640; at Republic Act No. 3019, o “The Anti-Graft and Corrupt Practices Act.”
“Dito mo makikita na fake ang War on Drugs ni Duterte. Libu-libo ang mga pinatay na hinihinalang drug addicts pero sila mismo pala ang protektor at kapartner ng mga big time drug lords. Pinatay lang nila ang kumpetisyon sa illegal drug trade,” giit ni Trillanes. (ROSE NOVENARIO)