Thu. Sep 19th, 2024
Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte (davaocity.gov.ph)

📷Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte

NILATIGO ng mura at pagbabanta ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang Police Regional Director ng Davao.

Sa ulat ng News5, ipinakita ang vlog ni Baste kung saan niya minura at pinagbantaang sasampalin si Brigadier General Nicolas Torre III kasunod ng mga pagbalasa sa liderato ng Davao City Police.

“Ang sarap sampalin nitong tao na ito. Kung makikita ko ito, sasampalin ko talaga ito,” ani Baste sa kanyang vlog.

Ang ngitngit ni Baste kay Torre ay nag-ugat sa pagsibak sa 19 na station commander at dating police director ng Davao City na pinalitan ni PNP Col. Hansel Marantan.

Para kay Torre, hindi niya papatulan ang mga pagbabanta sa kanya ni Baste.

“He (Mayor Baste) is not worth responding to. Hindi ko alam ang frame of mind niya noong sinabi nya ‘yun. Professional akong pulis,” ani Torres panayam ng News5

“But let me make this clear: To threaten is one thing but to actually do it is an entirely different thing,” dagdag niya. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *