Thu. Sep 19th, 2024

📷 pep.ph | Courtesy of Kreativden Talent Management

 

It’s a baby girl for Angeline Quinto ang husband Nonrev Daquina.

Isinilang ng biriterang singer ang kanilang ikalawang anak ni Nonrev nitong August 14, Miyerkoles.

Angeline gave birth to a 6.5-pound baby girl na pinangalanan nilang Azena Sylvia.

Iniluwal niya ito sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

May baby sister na ang panganay nilang si Sylvio.

Ang mga pangalan ng magkapatid ay hango mula sa adoptive mom ni Angeline.

Matatandaang stressed si Angeline nang ipinagbubuntis ang ikalawang sanggol.

Lumabas kasi sa pagsusuri ng kanyang OB-Gyne na meron siyang gestational diabetes.

Ito’y uri ng diabetes na karaniwang nararanasan during pregnancy.

Inamin naman ni Angeline na guilty siya dahil sa lakas niyang kumain when she was pregnant, lalo na sa kanyang rice intake.

Sina Angeline at Nonrev ay ikinasal sa Quiapo Church noong 2022 kung saan nagsisimba ang singer. (RONNIE CARRASCO III) 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *