Thu. Sep 19th, 2024

May common denominator ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na kabisado ng lahat: kapwa mahilig sila sa “patola”!

By patola, we don’t mean the long, green veggie na pag natuyo ay puwede pa ring pakinabangan as loofah scrub.

From the root word patol, mahilig pumatol ang celebrity couple sa mga netizen na walang magandang sasabihin sa kanilang kapwa.

It’s either nang-aasar ang mga ito o sadyang walang matinong bagay na magawa sa buhay.

They waste their time on bashing kahit nga hindi naman ka-bash-bash ang kanilang object of ridicule.

Ang kaibahan nga lang ng mag-asawa–Luis is known for employing comedic sarcasm pag rumeresbak.

Serious-type naman si Jessy who sees things as they are. She views life in general with objectivity.

But just the same, Jessy’s replies are catty.

Tulad na lang ng sinopla niyang netizen after posting on her Facebook page a picture of her with Baby Peanut or Rosie.

Hindi pinalampas ni Jessy ang post ng netizen na: “Grabe, walang two years old pero ang eyebags, parang pang-80 years old na!

Na sinagot ni Jessy ng half-Lebanese daw kasi ang lahi niya kung kaya’t at an early age ay lumalabas na ang eyebags. Sinundan pa niya ito ng: “Kalmahan lang ang panlalait sa bata. Iayon natin ang ating hitsura sa panlalait. Tingnan n’yo muna ang sarili sa salamin!”

“Consistently harsh” ang ibang netizens dahil kahit noong kapapanganak pa lang ni Jessy kay Baby Peanut noong December 2022 ay inisyu ng mga ito kung bakit ayaw ipost ng mag-asawa ang hitsura ng kanilang anak.

As if naman ang mga netizens na ‘yon ang kailangang masunod!

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *