Thu. Oct 10th, 2024

BAGO na pala ang bansag sa isang mataas na opisyal ng Palasyo na mahilig umepal pero kundi malasado ay mali ang impormasyon na ibinabahagi sa publiko kaya tinawag siya dati bilang si Boy Kuryente.

Umaasta raw itong taga-talkies daw ng Bossing ng Bayan Mo at feeling nag-level up na ang kanyang papel.

Masahol pa raw ito sa masibang garapatang nakadikit sa aso at bilyones na raw ang gusto niyang price tag ng mga proyektong kursunada niyang gatasan.

Ang siste, kahit walang kaugnayan ang kagawaran na kanyang pinamumunuan, umaaligid sa kanya ang mga executive na may kinalaman sa riles.

“Sa lakas ng bulung-bulungan, narinig ko na bago ang kanyang latest appointment ay nilapitan niya ang isang mataas na opisyal na dating naka-robe para kasabwatin na bigyan siya ng papel bilang “tagapangasiwa” ng mga proyekto ng gobyerno sa riles,” kuwento ng Chismosa sa Gusali ni Borloloy.

Mahigpit daw na binabantayan ni Boy Riles, na dating si Boy Kuryente, ang multi-bilyong pisong right-of-way na mga proyekto.

Sa grandiyosong pakana ni Boy Riles na makorner ang multi-bilyon pisong proyekto, naglagay raw siya ng mga napiling kaalyado sa mahahalagang posisyon sa mga tanggapan na may kinalaman sa riles.

“Alam kaya ng misis ng Bossing ng Bayan Mo ang mga pailalim na diskarte ni Boy Riles at kanyang pangkat?” tanong ng isang miron.

CLUE:

Nagpanggap daw si Boy Riles na “binalasa” ang kanyang tanggap-an pero ang totoo, inilagay niya sa juicy positions ang mga pinaka-korap, kabilang rito ang isa raw sa trusted niya sa ngayon ay isang kalatog-pinggan sa takaw na ipinaglihi sa “binabaeng kasoy”

“Ayon sa aking bubwit, mahilig siya sa chamba,” sigaw ng Chismosa sa Gusali ni Borloloy, sabay sibat patungong siyudad ng mga bituin.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *