📷House Quad Committee Overall Chairperson Rep. Ace Barbers
IMBES magsabong ang Kamara at Senado sa drug war probe ay ipinanukala ni Rep. Ace Barbers, ang House Quad Committee Overall Chairperson, na magkaroon na bicameral probe o pag-isahin na lang ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan at Senado sa madugong drug war ng rehimeng Duterte.
“I dont want to criticize them much as we dont want them to criticize us. let the people judge it na lang. ang amin lang don…. I was already proposing na sana mag-isa na lang. Magkaroon ng isang parang BICAM, magkaroon tayo ng isang investigation na parallel sabay kami, hapang nandiyan dyan sa harap namin ang mga iniimbestigahan natin,” sabi ni Barbers sa programang Sa Totoo Lang sa One PH.
Naniniwala si Barners na mas maayos , mas mabilis at mas komprehensibo ang magiging pagsisisyasat kung magkakaharap ang mga kongresista at senador sa imbestigasyon.
“Sa akin kasi it’s better, it’s faster, it’s more comprehensive perhaps because nandudun kami lahat. Nandun ang mga Senador, nandiyan yung mga Congressmen. We can ask questions directly to the witness. Kung may pag-asa pa I think maganda yun,” ani Barbers.
Kabilang sa mga inakusahan sa House quad comm hearing na sangkot sa madugong drug war ay sina Sens. Ronald “Bato” dela Rosa at Bong Go sa quad comm hearing na nagpursige naman na magsagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado sa parehong isyu.
Hindi dumalo sa quad comm hearing sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Irninia “Moking” Espino at Dela Rosa pero lahat sila ay sumipot sa pagdinig Senate Blue Ribbon Sub-Committee kahapon. (ROSE NOVENARIO)