Fri. Nov 22nd, 2024

đź“·Former Bayan Muna Rep. Neri Colmenares

 

Ang mga rebelasyon kahapon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ay lalong nagpatibay sa kasong crimes against humanity na nakasampa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC) na maaaring magbigay daan sa prosekusyon sa mga pulis bunsod ng pag-amin niya na hindi naganap ang self-defense.

Ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares,nabigo si Duterte na gamiting plataporma ang Senado para ilusot ang sarili at linisin ang kanyang imahe dahil napilitan siyang aminin na inutusan niya ang death squad para pumatay, walang self-defense na nangyari at inatasan niya ang mga pulis na udyukan at himukin ang mga biktima para manlaban.

“Under Philippine laws the two crucial elements of self defense are unlawful aggression from the victim, and there was lack of sufficient provocation on the part of the police.  If the police encouraged or provoked the victim, the police can no longer claim self defense.  With the reward system in place, there were many instances when the police killed the victim just to get the reward money even if the victim did not fight back.  Parang si Pres. Duterte pa ang nagkanulo sa mga police nya,” sabi ni Colmenares.

Giit ni Colmenares, ang deklarasyon ni Duterte na inaako ang ganap na responsibilidad sa mga patayan kaugnay sa drug war ay drama lang, pampapogi sa sarili at hungkag na retorika na naglalayong akitin sa kanyang panig ang mga pulis.

Nakasaad aniya sa mga umiiral na batas sa bansa na ang pagpapatupad ng illegal orders ay hindi mag-aabsuwelto sa mga gumawa ng krimen bagkus ito’y nangangahulugan na ang nag-utos ng implementasyon nito’y puwedeng kasuhan at mahatulang guilty sa krimen.

Ani Colmenares, posibleng lumaki ang bilang ng mga akusado sa mga naging pag-amin ni Duterte.

Hindi aniya dapat iasa sa mga pamilya ng mga biktima ng drug war extrajudicial killings ang pagsasampa ng kaso laban kay Duterte at hindi naman sila nabigyan ng mga kaukulang dokumento para makapaghain ng reklamo dahil tumanggi ang pulisya na bigyan sila ng police reports, SOCO reports, blotter at iba pang dokumento.

“There were even cases when the death certificate indicated the cause of death as bronco-pneumonia instead of gunshot wounds, practically pre-empting any criminal case for the killing,” sabi ni Colmenares, co-counsel ng mga pamilya ng EJK victims.

“Even the Commission on Human Rights (CHR) is complaining that they were not given copies of the reports as the police use Duterte’s Freedom of Information executive order to avoid cooperation” dagdag niya.

Matagal na aniyang sinimulan ng ICC ang kaso at matatapos ito sa paglalabas ng arrest warrant laban kay Duterte at kanyang mga alipores kaysa magsampa ng panibagong kasong kriminal na tatagal ng ilang taon at maaaring magresulta pa sa pagpapawalang sala sa mga akusado, gaya ng nangyari sa pork barrel cases.

“One cannot blame the families for pinning their hopes in the ICC rather than our un-cooperative justice system.  At least doon, walang palakasan.  As one mother of a victim stated when asked why she did not file a case in the Philippines: “Mahirap lang kami. At pangalawa, hind sa amin ang batas.  We are very hopeful that a warrant will be issued and Duterte will be the first Asian to be tried in the ICC,” pagtatapos ni Colmenares. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *