Fri. Nov 22nd, 2024

📷House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-List Representative France Castro

HINIKAYAT ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-List Representative France Castro ang Senado na isumite sa International Criminal Court (ICC) ang affidavit at video ng pagdinig kahapon ng Blue Ribbon sub-committee kasunod ng kagimbal-gimbal na pag-amin ni dating Pangullong Rodrigo Duterte sa kanyang naging papel sa extrajudicial killings.

“Former President Duterte’s Senate testimony is a damning confession that confirms what human rights advocates have been saying for years,” sabi ni Castro.

Ang pag-amin aniya ni Duterte na hinimok niya ang mga pulis na udyukan ang mga suspek para manlaban upang mabigyan ng katuwiran na patayin sila ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao at due process.

“His admission of encouraging police to provoke suspects to fight back as a pretext for killing them is not just disturbing – it’s a clear violation of human rights and due process,” anang teacher solon.

Giit ni Castro ang “nanlaban” na naratibo ay sistematikong ginamit para mabigyan katuwiran ang pagpatay sa libu-libong katao alinsunod sa war on drugs ni Duterte.

“Many innocent lives were lost under the guise of ‘nanlaban,’ even when victims clearly did not resist. Now we have direct confirmation that this was indeed official policy,” ani Castro.

Sa mismong pag-amin ni Duterte na siya ang responsable sa naganap na patayan sa kanyang drug war, wala na dapat dahilan upang maantala ang pagpapanagot sa kanya upang makamit ang hustiya ng mga naging biktima ng EJKs.

Ang pagkompisal ni Duterte sa publiko na totoong nagmantine siya ng death squads at inengganyo ang EJKs ay patunay na kailangan nang ganap na kooperasyon ng pamahalaan sa ICC dahil napakahirap makakuha ng katarungan sa Pilipinas lalo na’t dating pangulo ang sangkot sa krimen.

Patuloy aniya ang pagpupursige ng mga progresibong grupo para sa kampanyang ipakulong si Duterte para panagutan ang pagpatay sa libu-libong katao sa ilalim ng kanyang madugong drug war.

“As it is, we will relentlessly push for #DuterteIkulong (Imprison Duterte). The former president must be held accountable for the thousands of lives lost under his administration’s deadly anti-drug campaign,” wika ni Castro. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *