Wed. Dec 4th, 2024

MAHIGPIT daw ang tagubilin ng isang mataas na opisyal ng Palasyo sa kanyang mga alipores sa kanilang pulong kamakailan.

“Gumawa kayo ng mga aktibidad bago matapos ang taon para maubos natin ang pondo,” sabi raw ng Palace executive na bantog bilang si “Boy Riles” sa kanyang underlings.

Nangangamba raw kasi si Boy Riles na kapag may natirang pondo ang kanyang tanggapan, maliban sa ibabalik ito sa national treasury ay mababawasan ang hirit nilang budget para sa susunod na taon.

Ang siste, isang alipores niya na manipis ang buhok sa bumbunan ang kanyang itinokang manguna sa isang aktibidad na wala itong muwang.

“Ang hilig lang kasi niya ay suklayin ang kanyang anit sa pag-asang tutubuan pa siya ng buhok. Kung trabaho ang pag-uusapan, kulelat siya sa performance pero sa gimikan at barkadahan, dyan siya maasahan,” kuda ng butangerang miyembro ng Las Chismosas.

Napansin daw ni Boy Riles ang kawalan ng gana ni Boy Suklay sa trabaho kaya inusisa siya kung nabigyan ba ng publisidad ang isang pagtitipon na may kaugnayan sa pagkilala.

“I will check, Sir,” matamlay na sagot ni Boy Suklay kay Boy Riles.

CLUE:

Medyo na-alta presyon si Boy Riles sa narinig na tugon  kaya sininghalan niya si Boy Suklay, “You should know your figures.”

Ito rin daw ang narinig na linya ni Boy Riles nang minsan siyang napagalitan ng isang mambabatas dahil nabistong kapos ang kanyang  kaalaman pagdating sa pagbibilang.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *