KINOMPIRMA ni House Secretary General Reginald Velasco na ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ay ihahain sa susunod na linggo sa Mababang Kapulungan.
Sinabi ni Velasco sa isang kalatas na may isang dosenang kongresista ang nakiusap ng extension dahil pinag-aaralan nila ang magsusumite ng dagdag na impeachment complaint.
Tumanggi si Velasco na tukuyin ang mga mambabatas na nagkakasa ng fourth impeachment complaint laban sa bise presidente na inaasahang ihahain sa Lunes, Enero 7 at ire-refer niya ito kay Speaker Martin Romualdez o kaniyang i-delay.
Dagdag ni Velasco ang ika-apat na complaint ay dadalhin din niya sa Legal Department ng Kamara para kanilang pag-aaral.
May tatlo nang naunang impeachment complaint na naihain sa Kamara laban kay VP Sara noong Disyembre 2023. (ZIA LUNA)