📷SCMP | Facebook
KINONDENA ng Student Christian Movement of the Philippines – SCMP ang pagpatay kina Redjan Montealegre ,18, at JP Osabel, 14, ng mga sundalo na pinagkamalan silang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) noong Disyembre 27 sa Uson, Masbate.
Ipinahayag ng SCMP sa isang kalatas ang pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng mga biktima at nakiisa sa hangad na hustisya sa sinapit ng mga biktima.
Ayon sa ulat, nangggaling sa isang Christmas Party ang mga biktima nang barilin sila ng mga sundalo sa bintang na sila’y mga rebeldeng NPA.
Noong Hulyo 8, 2024, binaril din ng umano’y mga sundalo na nasa impluwensya ng illegal na droga ang magkapatid na Ronel, 22, at Robert Monsanto, 18, habang si Rey Belan,17, ay pinaslang sa Dimasalang noong Hunyo 16, 2023.
“The ‘massacres of the innocents’ (Matthew 2:16–18) in Masbate and elsewhere is not far from the Biblical story where Herod slaughtered young boys in order to remain in power as he was afraid of the Baby Jesus,” sabi ng SCMP.
Sa kasalukuyang panahon, si Marcos Jr. at ang AFP ang mga makabagong Herods, ayon sa SCMP.
Kasama anila sa mga kabataang pinatay ay sina Kyllene Casao,9, sa Taysan, Batangas noong Hulyo 18, 2022 at sina Ben,15, at Reben,12, ng pamilya Fausto sa Himamaylan.
Giit ng SCMP , ang kabataan na itinuturing na pag-asa ng bayan ay target ng mga pasista at mamamatay tao , at ang kahindik-hindik na kondisyong ito ay palalalain ng 2025 BBM budget (BBM = Budget ng Berdugo at Magnanakaw) na ipantutustos sa mas masahol na militarisasyon.
“For youth are the ‘hope of the fatherland’ and they seek better future, they are the targets of fascists and murderers; and this horrible condition is reinforced by the 2025 BBM budget intended for greater militarization.”
Nanawagan ang SCMP sa mga taong-Simbahan at mga Pinoy na nagmamalasakit sa bayan na kondenahin ang pagmasaker sa mga inosente at panagutin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at ang AFP.
Kailangan anilang matugunan ang ugat ng armadong tunggalian at tuligsain ang mga sumisira ng kapayapaan. (ROSE NOVENARIO)