Sun. Jan 19th, 2025

📷 PCIJ

KUNG ang kanyang anak na si Las Pinas Rep. Camille Villar ay gumastos na ng lagpas P1 bilyon sa kanyang advertisement spots sa telebisyon at radyo, ang kanyang nanay naman na si Sen. Cynthia Villar ay milyones na rin ang naubos sa anunsyo.

Ayon sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), si Sen. Villar ang may pinamalaking ginastos sa newspaper advertisement na umabot na ng P2.6 milyon mula January hanggang September noong 2024 o bago pa siya maghain ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre 2024

Kung susumahin ang gastos ng mag-inang Villar sa political advertisement sa pitong buwan noong isang taon, aabot na ito sa halos P1.3 bilyon, na labag sa Omnibus Election Code at maituturing na isang election over spending.

Sumanod kay Sen. Villar, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay umubos na rin ng P1.3 milyon,  na sinundan ng EduAksyon party-list group (P1.2 milyon) sa mga print ad, para sa Mayo 20205 midterm elections.

Si reelectionist Sen. at kapatid ni President Ferdinand Marcos Jr. na si Imee Marcos ay gumastos na rin ng mahigit P1 bilyon sa kanyang political advertisement mula Enero hanggang Setyembre 2024.

Sina Sens. Villar at Marcos, at Rep. Villar ay kandidato ng sariling partido ng pamilya Villar na Nacionalista Party para sa halalan sa Mayo.

Sinabi ni Las Pinas Councilor Mark Anthony Santos, kung gumastos na si Rep. Camille ng bilyon at milyon naman si Sen. Villar sa kanilang political advertisement, bago pa maghain ng kanilang CoC, hindi malayong madadagan pa ng bilyong piso ang kanilang uubusin hanggang sa araw ng eleksyon.

Ang tanong, aniya, paano babawiin ng pamilya Villar ang bilyong piso na inubos nila sa election kung manunungkulan lang ng anim na taon bilang senador?

Ang isang senador ay may suweldong P312, 902 kada buwan habang ang kongresista ay P273,278.

Ang isang termino ng kongresista ay tatlong taon at sa loob ng panahong ito ay tatanggap siya ng P9,838, 008  sahod ,habang ang senador na may anim na taon sa isang termino ay may suweldong P22,528,944.

Kailangang bunuin ng 485 araw o isang taon at apat na buwan ng isang minimum wage earner sa Metro Manila na may sahod na P645 / araw, bago niya kitain ang isang buwang sahod ng senador.

Ang isang buwang suweldo ng isang kongresista ay kailangan pagtatrabahuhan ng 423 araw ng isang minimum wage earner sa NCR.  (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *