PINALUBHA ng pamunuan ni dating Department of Education Secretary Sara Duterte ang krisis sa pagkatuto sa bansa, gaya ng inihayag sa pinakabagong ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), ayon kina ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at dating Cong. Antonio Tinio.
“The EDCOM II findings confirm what we have been saying all along – that VP Sara Duterte’s stint as DepEd Secretary was marked by gross mismanagement and neglect that worsened our education crisis,” sabi ni Castro.
“Sa halip na tugunan ang mga pangunahing suliranin ng edukasyon, ginawa pa niyang personal na piggy bank ang confidential funds ng DepEd at pinabayaan ang mga tunay na pangangailangan ng mga mag-aaral at guro,” dagdag niya.
Binanggit ni Castro ang mga ulat ng EDCOM II na nagpapakita kung paano sa ilalim ng liderato ni Duterte, ang pagpapatupad ng MATATAG curriculum ay nahadlangan ng naantalang delivery ng textbook at kawalan ng pagsasanay ng guro, habang ang backlog sa silid-aralan ay lumubog sa mahigit 165,000.
“Nawalan ng halos kalahati ng learning days ang mga estudyante dahil sa mga class suspensions at kalamidad, pero wala siyang ginawang konkretong hakbang para masolusyunan ito,” giit ng teacher-solon.
“Also under VP Duterte fifty-five percent of public schools have operated without fully designated school principals. The quantity, quality, and qualifications of school leaders are in a dismal state. Data reveal that only 45% of public schools have a designated school principal, with 12,057 schools with incorrect school head items, contrary to DepEd’s own policies,” aniya.
Binigyang-diin ni dating Rep. Tinio kung paano nag-ambag sa pagkasira ang estilo ng pamumuno ni Duterte.
“Her autocratic management style and militaristic approach to education were completely inappropriate for addressing the complex challenges facing our education system,” sabi ni Tinio.
“Imbes na pakinggan ang mga guro at education stakeholders, pinili niyang gamitin ang kapangyarihan para sa kanyang personal na interes at political ambitions.”
“The EDCOM II reports validate our position that we need fundamental reforms in our education system, not just superficial changes or reliance on confidential funds,” wika ni Castro.
“Kailangan nating wakasan ang ganitong uri ng pamamahala at ipaglaban ang isang makabuluhan, makabayang edukasyon para sa ating mga kabataan. Kaya hinahamon natin si Sec Angara na huwag gayahin si VP Duterte, at kagyat na makinig sa mga guro at iba pang sektor sa edukasyon para masolusyunan ang krisis sa edukasyon.”
“Dapat kagyat din niyang punuan ang mga bakanteng posisyon sa mga paaralan lalo na para sa mga prinsipal at mga guro. Bakit pa ba pinatatagal ito? Panahon na para kumilos!!!” (ROSE NOVENARIO)