Thu. Jan 30th, 2025

INIUGNAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa destabilisasyon laban sa kanyang administrasyon ang pagkuwestiyon ng mga kritiko sa Korte Suprema sa ‘constitutionality’ ng 2025 national budget.

Nang tanungin si Marcos Jr. ng mga mamamahayag kung may contingency plan siya sakaling paboran ng Supreme Court ang petisyon laban sa 2025 national budget, ang tugon niya ay, “No. We shut down everything. I guess that’s what they want. They want the government to cease working so matuloy yung kanilang mga destabilization na ginagawa.”

Kabilang sa mga humiling sa SC na ideklarang unconstitutional ang 2025 General Appropriations Act bunsod sa umano’y iregularidad at mga blangko sa bicameral conference committee ay sina dating executive secretary at senatorial aspirant Vic Rodriguez at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab.

Kasama rin sa petitioners sina Rogelio Mendoza, Benito Ching Jr., Redemberto Villanueva, Roseller dela Peña, Santos Catubay, at Dominic Solis.

Habang ang respondents ay sina House of Representatives, na kinakatawan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez; ang Senate of the Philippines, na kinakatawan ni Senate President Francis Escudero; at Executive Secretary Lucas Bersamin.

“Solicitor General Maynard Guevarra tells me that we are on a solid footing in terms of constitutionality. I don’t know why they bothered to file that,” ani Marcos.

“Well, anyway, it’s not for me to make the argument. We’ll let the SolGen make the argument before the Supreme Court. We’re very confident that our case is strong,” dagdag niya.

Nauna rito’y pinanindigan ni Marcos Jr. na walang mga blangkong pahina ang bicameral report ng P6.326 trillion budget.

Nilagdaan niya ang 2025 GAA noong Disyembre 30, 2024 at tinanggal ang mahigit P194 bilyong halaga ng line items na hindi sang-ayon sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon.

Nilinaw rin ni House of Representatives Committee on Appropriations acting chairperson Stella Quimbo na wala ng mga blangko sa enrolled bill na pinirmahan ni Marcos Jr. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *