LABIS na nasaktan sa pagkatalo si dating Senate President Manny Villar noong 2010 presidential elections at para makabawi umano sa gastos, agad ipinasok sa politika ang kanyang maybahay na si Cynthia Aguilar Villar na naging lone district congresswoman ng Las Pinas ng siyam na taon.
Matapos ang kanyang termino bilang kinatawan ng Las Pinas ay naging senador si Cynthia mula 2013 hanggang sa June 30, 2025.
Bago pa umalis bilang senador ni Cynthia, ipinasok naman ng pamilya ang kanilang anak na si dating Department of Public Works and Highway Secretary Mark Villar bilang senador noong 2022 na matatapos ang termino sa 2028.
Dahil na-master na ng pamilya Villar ang politcal arena, iniba ang kanilang estilo para manalong muli sa 2025 midterm elections bunsod na rin ng napakaraming negative issues tulad ng political dynasty ang pinupokol laban sa kanila ng mga tao.
Kaliwa’t kanan na pangboboladas ang binibitiwan ni Sen. Cynthia nitong mga nakalipas na buwan sa mga barangay caucus simula ng mag-anunsyo siya na tatakbong bilang congresswoman at hindi na alkalde ng Las Pinas noong Hulyo 2024.
Magkatunggali sa halalan sa Mayo ang mga Villar at ang kanilang kaanak na mga Aguilar.
Hindi maiwasang naglabasan na ang sangkatutak na negatibong isyu ng mga Villar tulad ng hindi pagbayad ng amilyar ng halos 14 na taon sa city hall na umabot sa milyon-milyong piso.
Umalis din sa Nacionalista Party, sariling political party ng pamilya Villar, ang mga Aguilar at lumipat sa National People’s Coalition nang maghain sila ng kanilang certificate of candidacy (COC).
Kinuha din ng mga Aguilar ang beteranong city councilor na si Mark Anthony Santos para labanan si Sen. Villar.
Magkasama dati sa isang grupo sina Villar, Aguilar at Santos sa mga nakalipas na election kaya’t walang mga negatibong isyu na naglabasan noon sa dalawang pamilyang pulitiko.
Subalit ng magkahiwalay ang dalawang pamilya sa politika, lumabas na ang klaro at tigreng pag-uugali ni Sen. Villar na nasaksihan mismo ng kanyang mga kababayan sa kanyang pag-iikot sa 16 barangay ng lungsod.
Binansagan tuloy ang senadora na umano’y “the most hated Las Pinas representative ever” ng mga taong nakakarinig sa kanyang talumpati na mga kapitbahay sa BF Resorts Village sa siyudad.
Bukod pa sa maraming “pasabog” ang siniwalat ni Santos laban kay Sen. Villar na hindi alam ng mga residente sa nakalipas na dalawang dekada. (ITUTULOY)