📷Dr. Rajean Monnette Romualdez
KILALA na ng pulisya ang ‘person of interest’ sa pagpatay sa isang doktora sa Naga City, ayon sa Police Regional Office 5 (PRO 5).
“Ongoing investigation po ang Naga City Police Station with person of interest as of this time,” sabi ni PRO 5 spokesperson Police Lieutenant Colonel Maria Luisa Calubaquib , sa ulat ng GMA News Online.
Noong Linggo, Pebrero 16, natagpuan ang bangkay ni Dr. Rajean Monnette Romualdez, 36-anyos, na may tama ng bala sa ulo sa loob ng nakaparadang sasakyan sa isang subdivision sa Barangay Concepcion Pequeña malapit sa Bicol Medical Center.
Sinabi kahapon ni Naga City Police Office chief Police Colonel Erwin Rebellon na patyloy ang pagtugis nila sa responaible sa krimen.
“Patuloy ang paghahanap sa itinuturing na person of interest at bumuo na ng Special Investigation Team (SIT) ang Naga City Police Office. Hindi tayo titigil ang hangga’t hindi nahuhuli ang salarin,” aniya.
“Kumakalap pa ng sapat na ebidensya ang kapulisan tulad ng CCTV footage, salaysay ng mga kapamilya at kakilalang biktima upang mapagtagpi-tagpi ang mga pangyayari na magbibigay-linaw sa malagim na sinapit ng biktima,” ani Rebellon.
Inanunsyo ng Naga City government kahapon ang alok na P200,000 reward sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa pagresolba sa kaso.
Habang napaulat na ang negosyanteng si Noel De Luna ay magbibigay ng 1 milyong piso na pabuya sa sinumang may nalalaman sa person of interest sa pagpasalng sa doktora. (ZIA LUNA)