Sat. Apr 5th, 2025 5:40:50 AM

📷Nagtawanan sina National Security Adviser Michael Waltz at Vice President JD Vance habang nagsasalita si US Pres. Donald Trump sa Oval Office meeting noong Marso 13. (Getty Images)

 

INIIMBESTIGAHAN ng National Security Council ang ulat ng The Atlantic hinggil sa pagbahagi ng war plans ng Amerika laban sa Yemen sa isang group chat ng matataas na security officials ng administrasyong Trump na kasama ang isang journalist.

Sa isang kalatas ay inamin NSC na inaalam ng ahensya kung paano napasama ang numero ni The Atlantic editor-in-chief Jeffrey Goldberg sa Signal group chat na kabilang sina Defense Secretary Pete Hegseth, Tulsi Gabbard, director ng national intelligence, National Security Adviser Mike Waltz  at Secretary of State Marco Rubio.

Ayon kay Goldberg, nakatanggap siya ng Signal invitation mula Waltz para sumali sa group chat, ilang araw bago inilunsad ang mga pag-atake ng US sa Yemen.

Iniulat kamakailan The Atlantic na ang group chat ay may mga sensitibong detalye hinggil sa napipintong military strikes laban sa Houthi rebels sa Yemen, gaya ng “target locations, weapons to be used, and attack sequences.”

Minaliit ni US President Donald Trump ang US war plans leakage at ayon sa White House, nananatili pa rin ang kanyang tiwala kay Waltz. (ZIA LUNA)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *