Senate President Francis “Chiz” Escudero
TATALAKAYIN ngayon ng legal team ng Senado ang inihaing petsiyon ng mga prosecutor sa impeachment trial na humihiling na magpalabas si Senate President Chiz Escudero ng summons kay Vice President Sara Duterte.
“I haven’t seen it. Will refer it to the Senate Legal Team and discuss with them tomorrow,” ani Escudero sa isang text message sa mga mamamahayag kahapon.
“We will act on this accordingly and in due course,” dagdag niya.
Nauna rito’y nanindigan si Escudero na hindi pa maaring maglabas ng anomang mga kautusan at summons sa magkabilang partido gayundin ang pagpapasumite ng kanilang mga testigo dahil sa hindi pa naman sa kanya ipinagkakaloob ng mga senador ang kapangyarihang ito lalo na’t hindi pa nakakapag-convene ang Senado bilang isang impeachment court at hindi pa sila umuupo bilang senator/judges.
Sa sandalling mabuo na bilang impeachment court ang Senado at umupo nang judges ang mga senador ay si Escudero ang siyang magiging presiding officer.
Batay sa nilalaman ng mosyon na ipinadala ng prosecutor team kay Escudero hinihilinh nilang magpalabas ng writ of summons laban kay Duterte upang sagutin niya ang inihaing articles of impeachment ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa loob lamang ng sampung araw. (NINO ACLAN)