Sat. Aug 8th, 2026

📷: Ronald at Marie Cardema | FB

 

DESPERADONG hakbang para ilihis ang atensyon ng publiko at protektahan ang  pamilya Duterte mula sa pananagutan sa batas

Ito ang layunin ng pagtatangka ng Duterte Youth Partylist na maghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa Makabayan bloc sa Kongreso.

“We, the Makabayan bloc in Congress, view the recent attempt by Duterte Youth to file an impeachment complaint against President Marcos Jr. as nothing but a desperate diversionary tactic to shield the Duterte family from accountability,” sabi nina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel.

Kalkulado anila ang tiyempo nang binalak na pagsasampa ng impeachment complaint at malinaw na panlihis sa atensyon ng publiko palayo sa mas mahalagang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

“The timing of this impeachment bid is clearly calculated to divert public attention from the more substantive impeachment case against Vice President Sara Duterte, which is backed by substantial evidence of corruption and abuse of power,” anang Makabayan.

Batid naman anila ng mag-asawang Ronald at Marie Cardema, ng Duterte Youth Partylist, na walang session ang Kongreso kaya’t nalantad na ang tunay na pakay ay pakulo at pag-iingay lamang.

T”he Cardemas’ theatrical attempt to file a complaint, knowing full well that Congress is not in session, reveals the true nature of this publicity stunt.”

“Malinaw na ang impeachment complaint na ito ay isang malaking palabas lamang para ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kaso laban kay VP Sara Duterte. Hindi magtatagumpay ang mga Cardema sa pagpapanggap na sila ay para sa mamamayan habang nagsisilbi sila sa interes ng pamilyang Duterte,” sabi ni Castro.

Ang pagtutok anila ng Marcos impeachment complaint sa umano’y “illegal arrest” kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay sinadya ang pagbabalewala sa desisyon ng Korte Suprema noong Supreme Court 2021na nananati ang obligasyon ng Pilipinas na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) kahit na kumalas na ang bansa sa Rome Statute.

“This selective interpretation of the law exposes the complaint’s true purpose – not to uphold the Constitution but to shield the Dutertes from accountability for the thousands of lives lost in the bloody “war on drugs.”

Iginiit ni Brosas na sinasakyan lang ng Duterte Youth ang mga sentimyentong anti-Marcos upang isulong ang pro-Duterte agenda, isang desperadong pagtatangka upang baguhin ang naratibo ng ICC case, at ilipat ang atensyon mula sa masahol na human rights violations ng administrasyong Duterte sa  mga kuwestiyon sa pagdakip sa dating pangulo.

“The Duterte Youth is merely riding on anti-Marcos sentiments to push their pro-Duterte agenda. This is a desperate attempt to reframe the narrative about the ICC case, shifting focus from the grave human rights violations committed during Duterte’s administration to procedural questions about the arrest,”  wika ni Brosas.

“Ginagamit lamang ng Duterte Youth ang pagiging anti-Marcos para isulong ang kanilang tunay na layunin – ang protektahan ang pamilyang Duterte mula sa kanilang pananagutan sa libu-libong napatay sa madugong War on Drugs,” dagdag niya.

Pinapaalalahanan ng Makabayan ang publiko na ang kasong impeachment laban kay VP Sara Duterte batay sa mga nakalap na ebidensya ngunit hindi ito nangangahulugan na walang pananagutan si Marcos Jr. sa kanyang sariling mga gawain ng katiwalian at pang-aabuso.

“Sa takdang panahon, dapat din niyang sagutin ang mga kabiguan at pagmamalabis ng kanyang administrasyon,” anila.

“Huwag magpalinlang sa publicity stunt na ito. Halata naman na ito ay isang political maneuver in aid of election, at hindi tunay na pagtatanggol sa interes ng mamamayan,” babala ni Manuel.

“The youth should not be fooled by this charade. Both the Marcos and Duterte families must be held accountable for their respective crimes against the Filipino people,” dagdag niya.

Nanawagan ang Makabayan bloc sa sambayanang Pilipino na manatiling mapagbantay at mapanuri.

“Do not fall for these diversionary tactics. The pursuit of justice and accountability must be based on evidence and principle, not on political theatrics designed to protect powerful families from facing the consequences of their actions.” (ROSE NOVENARIO)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *