MABIBILANGGO ng 100 taon ang balae ni outgoing Sen. Cynthia Villar na si dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chairman Efraim Genuino dahil hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa multiple counts of graft at malversation sa pagwawaldas ng P50.05 milyong pondo ng bayan.
Ang anak ni Genuino na si Erwin ay asawa ni Las Pinas Rep. Camille Villar at may dalawa silang anak, isang lalaki at isang babae. Son-in-law si Erwin ng mag-asawang tycoon Manny at Cynthia.
Si Erwin, na isang abogado, ay tumakbong mayor sa lungsod ng Makati noong 2010 elections pero hindi pinalad. Naging running-mate ni Erwin noon ang aktres na si Jobelle Salvador, sa ilalim ng Bigkis Pinoy Movement.
Tinalo sila ni Junjun Binay, anak ni dating Vice President Jejomar Binay.
Nakasaad sa hatol ng anti-graft court kay Genuino at apat pang mga opisyal na sapat na napatunayan ng prosekusyon, sa pangunguna ng Office of the Ombudsman, na sila’y nagsabwatan sa irregular na disbursement ng P50.05 milyon sa PAGCOR funds sa pagitan ng taong 2005 at 2008.
Ginamit ang pondo sa pagbili ng mga tarpaulin, kamiseta, cap at iba pang promotional items, gayundin ang mga aktibidad ng pondo ng BIDA Foundation, isang organisasyong itinatag ng Genuino noong 2003.
Sinabi ng korte na hindi ito sumailalim sa public bidding o proper processing ng Procurement Department ng PAGCOR.
Nauna nang sinabi ng Ombudsman na dinala ni Genuino ang pondo ng PAGCOR sa BIDA Foundation para suportahan ang hangarin niya para maluklok sa puwesto bilang nominado sa BIDA party-list noong May 2010 elections na natalo sa halalan.
Ayon sa reliable source, ayaw umanong ipagamit ni Sen. Cynthia ang apelyido na Genuino sa pangalan ni Camille dahil naging talunan na si Erwin sa election at baka mangayari rin sa kanyang unija hija.
Sabi pa ng source, kahit may dalawang anak ang mag-asawang Erwin at Camille ay hindi pa rin welcome o tanggap si Erwin hanggang sa ngayon sa tahanan ng pamilya Villar sa BF Resort Village sa Las Pinas.
Napilitan lang umanong na magpakuha ng family picture sina Erwin at Camille noong isang taon dahil kandidato ang kongresista sa pagka-senador at baka matanong ng media kung bakit hindi kasama sa campaign sorties ang kanyang esposo.
Pahayag pa ng source, kahit ang dalawang apo ni Cynthia ay bihirang bumisita sa kanilang bahay sa Las Pinas dahil sa natatakot o nangingilag diumano ang mga bata sa kanilang lola na lagi umanong nakasimangot. (ZIA LUNA)