š·: Bayan Muna | FB
KINUWESTIYON ni dating Bayan Muna Rep., Neri Colmenares ang maliwanag na pagkakasangkot ng mga puwersa ng estado sa kampanya laban sa Bayan Muna at mga progresibong grupo
“The scale and coordination of these attacks, from fake government documents to mock coffins appearing simultaneously across the country, strongly suggest the involvement of state resources,” Ā ani Colmenares.
“This is not only a violation of Comelec rules but also of our anti-graft laws for the misuse of public funds for partisan election campaigns,ā giit niya.
Kaya naman pinangunahan ngayon ni Colmenares ang paghahain ng pormal na reklamo sa Commission on Elections (COMELEC) laban sa malawakang sirkulasyon ng fake news na nagsasabing diskuwalipikado ang Bayan Muna sa May 12 elections at ang coordinated red-tagging campaign na nagtatampok ng mga kunwaring kabaong sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Hindi lang ito fake news; ito ay election sabotage,” deklara ni Colmenares.
“Ang sadyang paggawa ng mga dokumento at press release ng COMELEC para iligaw ang mga botante ay isang kriminal na pagkakasala na tumatama sa pinaka-puso ng ating demokratikong proseso. Inihahain namin ang reklamong ito upang panagutin ang mga naghahangad na tanggalin ang karapatan ng mga botante sa pamamagitan ng panlilinlang at pananakot.”
Binigyang-diin ni Colmenares na ang pekeng disqualification news ay bahagi ng isang mas malawak, coordinated na kampanya upang sugpuin ang mga progresibong boses sa mga huling araw bago ang halalan.
Hindi lang aniya ito simpleng kasinungalingan bagkus ay malinaw na tangkang dayain ang halalan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pekeng impormasyon upang lituhin ang mga botante at harangan na makabalik ang Bayan Muna sa Kongreso.
“The appearance of mock coffins with our names in Quezon City, Tarlac, Bulacan, Albay, and other areas, alongside this fake news campaign, reveals the desperate lengths to which our opponents will go to prevent the people’s voices from being heard in Congress,” wika niya.
Ang reklamong inihain ng Bayan Muna ay nagdetalye ng maraming pagkakataon ng disinformation, kabilang ang āfabricated COMELEC resolutions, manipulated news articles, and social media posts falsely claiming the party-list has been disqualified or designated as a terrorist organization.Ā ā
“Kami ay may dokumentadong ebidensya na ito ay isang black propaganda campaign, hindi random acts of misinformation,” wika ni Colmenares.
“Ang mga pekeng dokumento, ang mga kabaong, pekeng pera at ang mga red-tagging posters ay may iisang pinagmulan at layunin ā ang hadlangan ang mga progresibong partido na makabalik sa Kongreso. Pero hindi kami titiklop sa mga partylist ng dinastiya at mayayaman dahil ilalaban naming baguhin ang party list law para sumara ito sa mga mayayaman. Hindi kami titiklop sa mga human rights violators at pulis. nila. Hindi kami titiklop sa mga abusado at korap sa gobyerno at kikilatisin namin ang mga pagnanakaw sa budget ā sabi niya.
Nanawagan si Colmenares sa COMELEC na hindi lamang magbigay ng paglilinaw kundi aktibong kasuhan ang mga responsable sa ilalim ng Omnibus Election Code.
“Kami ay nagpapasalamat sa mabilis na pahayag ng COMELEC na nagkukumpirma na ang Bayan Muna ay nananatili sa balota. Gayunpaman, dapat ding gamitin ng COMELEC ang buong legal na kapangyarihan nito upang imbestigahan, tukuyin, at usigin ang mga nasa likod ng kriminal na disinformation campaign,” aniya.
“Kung hindi ito gagawin ng COMELEC, ito ay magiging precedent na sa bawat eleksyon ay maaaring gamitin ang ganitong uri ng panlilinlang. Fake news of disqualification of candidates proliferated during the 2022 presidential elections. We should put a stop to this, otherwise it will be repeated in the 2028 presidential elections.”
Sa kabila ng mga hamon na ito, nagpahayag si Colmenares ng tiwala sa pag-unawa ng mga botanteng Pilipino.
“Sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala kami sa katalinuhan at discernment ng mga Pilipino. They will see through these desperate tactics and vote according to their conscience and best interests,” sabi niya.
“Nananawagan kami sa aming mga tagasuporta na manatiling mapagbantay, mag-ulat ng anumang mga pagkakataon ng disinformation o pananakot, at gamitin ang kanilang karapatang bumoto nang may tapang at pananalig sa Mayo 12.” (ROSE NOVENARIO)