Sat. Aug 8th, 2026

NAKIKIISA ang Health Workers PartyList sa panawagan para sa agarang manual counting ngayong araw.

Ayon sa HWP,nakatanggap ito ng mga ulat na hindi nabibilang ang boto para sa kanilang partyList dahil diumano “overvote” o “undervote” kahit iisa lamang ang kanilang boto sa Partylist, o kaya ay rejected ang buong balota dahil sa unintended na smudges mula sa felt pen.

“Hindi kasalanan ng mga botante na palpak ang papel at felt pen ng COMELEC. Hindi kasalanan ng botante na hindi tama ang pagbasa ng Automated Counting Machines (ACM). Hindi dapat nangangamba ang mga botante na mag-overvote, undervote, o mareject ang balota kung tama ang ating pagboto,” anang HWP sa isang kalatas.

Anang grupo, responsibilidad ng COMELEC na tiyaking maayos ang mga gamit sa pagboto, na hindi kumakalat ang ink o tumatagos ang tinta.

Binigyan diin ng HWP na mas malala ang ulat ng pagbabago ng software version ng mga ACMs mula 3.4 na nakita noong local source code review patungong 3.5 (updated version) na kasalukuyang ginagamit sa mga voting places.

“Nagbubukas ito ng mas maraming pag-aalala at kwestyon sa integridad ng eleksyon,” giit ng HWP.

“Kailangan ang manual counting ngayong araw at ikumpara ang resulta sa ACM. Ito ang titiyak na mabibilang ang mga lehitimo at tamang boto na hindi binasa ng makina,” dagdag ng grupo.

“Dapat ipaliwanag ng COMELEC sa publiko ang usapin ng pagbabago sa software version.” (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *