TINIYAK ng Bayan Muna Partylist sa masang Pilipino at mga tagasuporta na ipagpapatuloy ang laban para maging boses ng mga walang boses, tagapagtanggol ng mga inaapi at isang masugid na tagapagtaguyod ng tunay na pagbabago sa lipunan, kahit wala sila sa loob ng Kongreso.
“To our supporters and the Filipino masses, we offer only one promise—𝙏𝙐𝙇𝙊𝙔 𝘼𝙉𝙂 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉,” anang Bayan Muna sa isang kalatas.
“Bayan Muna will continue to be a voice for the voiceless, a defender of the oppressed, and a staunch advocate of genuine social change.”
Ipinaabot ng partido ang lubos na pasasalamat sa libu-libong bumoto at nanindigan kasama nila sa katatapos na halalan.
“We extend our deepest gratitude to the thousands of Filipinos who voted for and stood with Bayan Muna in the recent elections. In the face of overwhelming odds, your votes are not just numbers—they are declarations of resistance, solidarity, and hope for genuine change,” anang partido.
Giit ng Bayan Muna, sa kabila ng masidhing pag-atake ng estado, lalo na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at militar, ang kanilang kampanya ay nanindigan kasama ng mga mamamayan.
Desperado na anila ang mga nasa kapangyarihan na patahimikin ang boses ng hindi pagsang-ayon at supilin ang kagustuhan ng mga magrginalized kaya ganoon na lamang ang ginawang paninira, red-tagging, harassment, fake news, at disinformation campaign laban sa Bayan Muna.
“Mas tumindi ang panunupil para patahimikin ang progresibong tinig—pero mas lalong tumibay ang ating paninindigan,” giit ng partido.
Naging palaruan na aniya ang partylist system ng mga political dynasty, bilyonaryo, at mga burukrata na pinagsasamantalahan ang mga programa ng gobyerno gaya ng AICS, TUPAD, at AKAP upang ipambili ng boto at manipulahin ang resulta ng halalan.
“This is a betrayal of the spirit of the party-list law and the very principles of participatory democracy,” anang Bayan Muna.
Binigo muli anila ng automated election system (AES) ang sambayanang Pilipino.
“Reports of irregularities, machine errors, and technical glitches raise serious concerns about the credibility and integrity of the electoral process. We believe this flawed system was used to further marginalize the progressive bloc and deny Bayan Muna a seat it rightfully earned through the people’s support,” giit ng partido.
“Ginamit ang teknolohiya hindi para sa malinis na halalan, kundi para sa pandaraya,” dagdag nito.
Sa kabila nito’y nananatiling hindi natitinag at hinding-hindi matatahimik anila ang Bayan Muna.
Nagpapatuloy rin ang kanilang komitment na paglingkuran ang sambayanang Pilipino—sa loob o labas ng Kongreso.
“Ang pakikibaka para sa lupa, sahod, karapatan, at hustisya ay hindi maaaring makulong sa loob ng mga pader ng parlyamentaryo.
Hindi natatapos sa halalan ang laban. Ang tunay na pagbabago ay makakamit sa pagkakaisa at kolektibong pagkilos ng mamamayan.”
Hinamon nila ang mga bagong halal na party-lists sa Kongreso na maging tunay na kinatawan ng mga mamamayan, manindigan laban sa korapsyon, tutulan ang militarisasyon at isulong ang karapatan ng mga napababayaang sektor.
“Do not be complicit in the continued exploitation and repression of the poor,” (ROSE NOVENARIO)