š·: Philippine News AgencyĀ
INUTUSAN ni Pangulong Ferdinand āBongbongā Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na palawigin ang P20/ kg rice program hanggang matapos ang kanyang termino sa 2028, sabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.
Ang nasabing programa ay popondohan ng DA at lokal na pamahalaan kung saan ibebenta ang murang bigas.
āInutos na ni Presidente sa amin na gagawin na natin ito hanggang 2028. āYung formula na lang ang pinag-uusapan,ā ani Tiu Laurel sa pulong balitaan sa Malakanyang.
Inaasahan aniyang makikinabang sa programa ang 15 milyon pamilya o 60 milyon katao
Maaari aniyang ilunsad ang programa sa mga lugar na mataas ang antas ng kahirapan maliban sa Visayas kung saan nagsimulang ipagbili ang P20/kg na bigas.
āHindi naman ito puwede sa lahat ng Pilipino… Ang mga mayayaman hindi na dapat sumama sa programa,ā ani Tiu Laurel.
Nakatakda aniyang magpulong ang DA at mga bagong halal na lokal na opisyal upang malagdaan ang kasunudan hinggil sa hatian nila sa subsidiya sa programa.
Matatandaan na ang P20/ kg na bigas ay isa sa mga ipinangako ni Marcos Jr. nonng 2022 presidential elections campaign. (ZIA LUNA)