Sat. Aug 8th, 2026

KOMPIYANSA si dating presidential spokesman Harry Roque na hindi siya kayang arestohin ng gobyerno ng Pilipinas para ikulong sa bansa dahil tatalunin niya ito kaugnay sa legalidad ng kanyang pananatili sa Netherlands bilang asylum seeker.

Ipinagmalaki ni Roque na eksperto siya sa international law at 20 taon niyang itinuro ito sa mga unibersidad kaya tiwala siya na walang laban sa kanya ang gobyerno ng Pilipinas.

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na mag-a-apply ng red notice sa Interpol para madakip si Roque.

Kantyaw ni Roque sa DOJ, huwag nang kumonsulta sa international law experts kung paano siya makukuha sa Netherlands sa bisa ng red notice ng Interpol.

“Well alam niyo kasi yung issue of Deportation and Asylum is Govern by international law, which I said is my Home Court because I taught International law for 20 years hindi lang sa Pilipinas pati sa Singapore and sa America and I exactly know what to do and I think kung nag kokonsulta sila International Law experts ang masasabi ko lang don’t waste your time,” sabi ni Roque sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi.

“Tatalunin ko ang Gobyerno ng Pilipinas and hindi nila ako makukuha dahil ako nga po ay Asylum seeker and merong karapatan ng non refoma lalo na ang ppresenta ko lang naman ay resolusyon ng piskal kung saan ako ay kinasuhan ng non bailable na wala po talagang saysay. Kaya ako ay nagkaroon ng Non Bailable case ay dahil daw ako daw ay nag text at tumawag nag fofollow up para doon sa lisensya ng Lucky south 99 at yun daw ay criminal na,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Roque na hinaharap niya ang kasong isinampa laban sa kanya taliwas sa mga pagbatikos na tinatakasan niya ito.

“Sino ba nagsabing di ko hinaharap? Noong makalawa lamang ako po’y nag execute na ng motion for reconsideration na ni-notaryo rito ng Philippine Consulate. kalokohan yung mga nagsasabing di ko hinaharap because I’m availing all legal remedies sa isang resolusyong mga piskalya na wala po talagang basehan. Kalokohan na tinatakbuhan ko yan,” aniya pa.

Matatandaan inilabas ng hukuman ang arrest warrant laban kay Roque at iba pang umano’y kasabwat niya sa kasong qualified human trafficking bunsod ng operasyon ng illegal POGO. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *