Sat. Aug 8th, 2026

INUTUSAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng cabinet secretaries na magsumite ng kanilang courtesy resignation upang nabatid kung sino pa ang dapat manatili sa puwesto batay sa resulta ng ebalwasyon sa kanilang performance.

“It’s time to realign government with the people’s expectations,” ayon kay Marcos Jr. sa kalatas ng Presidential News Desk (PND).

“This is not business as usual.The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act,” dagdag niya”

Alinsunod aniya ito sa itinakdang tunguhin ng “recalibrated priorities” ng kanyang administrasyon.

“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency,” anang Pangulo.

“Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” giit niya.

Ang nasabing hakbang ay hudyat  aniya ng malinaw na transisyon mula sa unang yugto ng pamamahala sa isang “more focused and performance-driven approach.”

Binigyan diin ng Pangulo na kahit marami sa mga miyembro ng gabinete ay nagsilbi ng mga dedikasyon at propesyonalismo, ang  sambayanan ay nangangailangan ng isang  “renewed alignment, faster execution, and a results-first mindset” na pamamahala.

Tiniyak niya na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng pamahalaan sa panahon ng transisyon, at ang katatagan, pagtutuloy at meritokrasya na magsisilbing gabay sa paghubog ng pagsulong ng pangkat ng kanyang liderato.

Ayon sa greelane.com, ang kahulugan ng meritokrasya batay sa panlipunang perpektiba ay:

“Ang meritokrasya ay isang sistemang panlipunan kung saan ang tagumpay at katayuan sa buhay ay pangunahing nakasalalay sa mga indibidwal na talento, kakayahan, at pagsisikap. Ito ay isang sistemang panlipunan kung saan sumusulong ang mga tao batay sa kanilang mga merito.

Ang isang meritocratic system ay kaibahan sa aristokrasya, kung saan ang mga tao ay sumusulong batay sa katayuan at mga titulo ng pamilya at iba pang mga relasyon. “

Inaasahan ng Malakanyang na ang isasakatuparang “bold reset” ng administrasyon ay hudyat ng bagong yugto – mas matalas, mas mabilis at mas nakatuon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *