Sat. Aug 8th, 2026

đŸ“·: Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña 

 

KINUWESTIYON ng militanteng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang motibo ng Akbayan Party-list sa planong pagtatag ng “West Philippine Sea bloc” sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

Pinagdududahan ng PAMALAKAYA na nakakiling ang Akbayan sa panig ng US kahit ang Amerika mismo ay maituturing na “clear and present danger to our sovereignty and national security.”

Ang pahayag ng PAMALAKAYA ay bilang reaksyon sa sinabi ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na balak ng kanyang grupo na bumuo ng isang WPS bloc sa Kamara upang mapalakas ang mga pagsusumikap na ipagtanggol ang “sovereign right” ng Pilipinas laban sa China.

“While we agree that there is the constant need to amplify the situation in the West Philippine Sea, we question Akbayan’s real motive on its plan to create the West Philippine Sea bloc, because we strongly suspect that Akbayan is partial on the side of the United States, refusing to acknowledge that te U.S. itself is the clear and present danger to our sovereignty and national security,” sabi ni Ronnel Arambulo, PAMALAKAYA Vice Chairperson sa isang kalatas.

Ayon kay Arambulo, nakapanig lamang sa US ang plano ng Akbayan at hindi kinikikilala ang masamang layunin ng Amerika sa tunggalian sa teritoryo.

Ipinaaalala ni Arambulo sa kinatawan ng Akbayan na walang pinagkaiba ang US sa China pagdating sa pag-abala sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino sa territorial fishing grounds.

Ang tinutukoy ni Arambulo ay ang serye ng “no-sail zone policy” na ipinataw sa Aparri sa Cagayan at ilang bayan sa Zambales, upang bigyang daan ang U.S.-Philippines Balikatan (balikat-balikat) military exercises noong Abril ngayong taon.

Apektado aniya ng no-sail zone ang mahigit 15,000 at 6,000 maliliit na mangingisda sa mga lalawigan ng Cagayan at Zambales.

Dapat naman aniyang kondenahin talaga ang China sa paglabag sa isang partikular na batas pandagat sa pamamagitan ng hindi paggalang sa eksklusibong sonang pang-ekonomiya ng Pilipinas.

Ngunit ang makabayang pagsisikapap aniya ng mga Pinoy ay dapat makita rin ang mahabang kasaysayan ng US na mga interbensyong militar at digmaan ng agresyon na isinagawa laban sa Pilipinas at sa ibang mga bansa.

“China is condemnable over violation of a specific maritime law by disrespecting our exclusive economic zone. But our patriotic efforts should extend against the U.S. which has a long history of military interventions and war of aggression waged against us and other countries,” pagtatapos ni Arambulo. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *