NAALARMA ang National Union of Journalists of the Philippines sa mga panukala ng Presidential Communications Office (PCO) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang gobyerno ang magdeklara kung ang ilang ulat ay “fake news”.
Ginawa ng mga opisyal ang mga pahayag na ito sa isang pagdinig sa Kamara kahapon, ang pinakabago sa isang serye ng mga imbestigasyon na may posibilidad na magpataw ng parusah para sa mga pananaw na salungat sa gobyerno.
Binigyan diin ng NUJP na kinikilala ng kanilang grupo ang banta ng disinformation sa diskurso at demokrasya ngunit nakita rin nila kung paano ginamit ang paratang ng “fake news” sa nakaraang administrasyon at sa kasalukuyan.
Nanawagan ang NUJP na mag-ingat sa mga panukala na mag-apply ng prangkisa ang mga social media platform lalo na’t ginagamit sa politika ang nasabing proseso.
Sinabi ng NUJP ang isang matatag na kalayaan sa patakaran sa impormasyon, transparency mula sa gobyerno, at paggiit sa kritikal na pag-iisip at media at information literacy ay higit na may magagawa laban sa “fake news” kaysa payagan ang burukrasya na magpasya kung ano ang peke at kung ano ang hindi.
Sa diwa ng self-regulation, nananawagan ang NUJP sa mga social media platform na palakasin ang pagpapatupad ng mga pamantayan ng komunidad, suportahan ang mga third-party na fact checker at mas tumutugon sa mga ulat ng user nang nakakapinsalang content.
Muling nanawagan ang NUJP sa mga mananaliksik ng disinformation mula halos isang dekada na ang nakalipas para sa pagsisikap na pangunahan ng civil society na hanapin at ilantad ang mga network ng disinformation at kanilang mga kliyente. (ROSE NOVENARIO)