Fri. Aug 7th, 2026

GINAGAMIT na bilang transshipment point ng illegal drugs ng “Golden Triangle” ang Pilipinas.

Ito ang paniniwala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos kompirmahin ng kanilang international counterparts na ang narekober ng mga mangingisda na P4-B halaga ng hinihinalang shabu sa karagatan sa Bolinao, Agno at Bani ay pareho ng packaging ng mga nakompiska sa Zambales.

Ang mga pinalutang na kontrabando ay bahagi umano ng international smuggling operation.

“Based on the packaging that we recovered parehas ho siya doon din sa na-recover natin sa Zambales. Ayon sa ating mga international counterparts, ito ay nanggaling sa golden triangle…. When we speak of golden triangle, this consists of Myanmar, Thailand, and Laos,” ayon kay Atty. Joseph Frederick Calulut, spokesperson ng PDEA

“Probably meron na ‘yang contact sa loob na pupunta doon sa dagat to get these dangerous drugs at saka ipupuslit sa loob ng Pilipinas. But with the volume kasi masyadong marami ‘yong mga nakuha, we believe hindi lang for Philippine market ‘yan, baka ang mangyari diyan we will just be a transshipment point,” dagdag ni Calulut.

Ang Golden Triangle ay isang rehiyon sa Southeast Asia na ang mga hangganan ng Thailand, Myanmar, at Laos ay nagtagpo sa Ruak and Mekong Rivers.

Kilala ang rehiyon sa mataas na produksyon ng opium na ginagamit sa paggawa ng heroin.(ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *