Fri. Aug 7th, 2026

IBINASURA ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ni detenidong dating Pangulong Rodrigo Duterte na idiskuwalipika ang dalawang husgado sa pagpapasya sa pagkuwestiyon sa hurisdiksyon ng hukuman kaugnay sa kinakaharap niyang kasoong crimes against humanity.

“Unanimous” ang desisyon ng ICC judges sa pagtanggi sa hirit ni Duterte na i-disqualifiy sina Judge Reine Adélaïde Sophia Alapini-Gansou and Judge María del Socorro Flores Liera

Sa ulat ng Philippine News Agency, nakasaad sa petisyon ng kampo ni Dutertena ang dalawang judge ay may “prior involvement in the most substantive legal question” ng kaso.

“The question of jurisdiction and the exercise thereof is a contentious—if not the most contentious—issue in the case,” sabi ni defense lawyer Nicholas Kaufman noong Mayo.

“Deciding this matter in favor of the Defense will have far-reaching consequences on the future of the situation.”

Matatandaan inaresto si Duterte at dinala sa ICC Detention Facility noong Marso 11 bunsod ng inilabas na arrest warrant bilang akusado o “indirect co-perpetrator for the crime against humanity of murder pursuant to Article 7 (1)(a) of the Roman Statute.”

Partikular na iniugnay siya sa pagpatay sa 19 katao na umano’y drug pusher o magnanakaw na pinaslang ng mga miyembro ng Davao Death Squad sa iba’t ibang panig ng Davao City mula 2011 hanggang 2016, gayundin sa murder ng may 24 umano’y mga kriminal na pinatay ng mga pulis o may superbisyon nila mula 2016  hanggang 2019 sa panahong pangulo ng bansa si Duterte.

Sa Setyembre 23,2025 nakatakda ang pre-trial hearing ni Duterte at kapag nakompirma ang mga kaso laban sa kanya, maaaring tumagal ng ilang buwan bago ang paglilitis at ilang taon bago mahatulan. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *