Fri. Aug 7th, 2026

NANAWAGAN ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa overseas Filipino workers na apektado sa bakbakan ng Israel at Iran na kumontak sa mga awtoridad kapag nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng pagtawag sa emergency hotlines.

DMW-OWWA Helpdesk (local): 1348

DMW-OWWA Helpdesk (abroad): +63 2 1348

ISRAEL

Philippine Embassy: +972 54 466 1188

Migrant Workers Office: +972 50 762 2590

Overseas Workers Office: +972 50 715 6937

LEBANON

Philippine Embassy: +961 70 858 086

MWO: +961 79 110 729

JORDAN

Philippine Embassy: +962 7 7907 7775, +962 7 7721 9000

MWO: +962 7 8149 1183 / +962 7 8519 1891

Ayon sa DMW at OWWA kailangan beripikahin ng OFWs ang impormasyon bago iulat sa mga tanggapan upang maiwasn ang kalituhan.

Ang paalala ay ginawa ng mga ahensya kasunod ng serye ng airstrikes ng Israel sa Iran na ang target ay  nuclear facilities at missile sites, na ayon sa Israel, ay unang yugto pa lang ng mas malaking operasyon.

Gumanti ng atake ang Iran noong Biyernes ng gabi, matapos tawagin ang pag-atake ng Israel na isang “declaration of war.”

Sa panayam sa DZMM Teleradyo , sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na wala pang apektadong Pinoy pero nasa heightened alert na ang kagawaran at nakahandang tumulong sa OFWs. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *