KONTROBERSYA at pagkadismaya ng masa.
Iyan ang bumabalot sa Senado sa nakalipas na mga linggo.
“Hindi pa nga nakakarekober sa pagkamuhi ng publiko sa pagtrato nila sa impeachment case ni VP Sara, may bago na namang kontrobersyang kinasangkutan ang ilang senador,” entradang kuwento ng Las Chismosas Senate chapter prexy.
Wala raw palang katotohanan na solid ang tinaguriang ‘Remand Bloc’ o ang mga senador na bumoto pabor sa pagbabalik ng Articles of Impeachment sa Kamara .
“Bakit mo naman nasabi?” nagkakaisang tanong ng mga miron na atat sa chika.
Noon daw huling araw ng sesyon ay nag-away at nagsigawan sa Executive Lounge ang dalawang senador, ang isa’y napatalsik dati ng kudeta at ang isa ay sumikat bilang bilang Sulsoltant.
Inakusahan daw ni Kudeta Victim si Sulsoltant na nang-iwan sa kanilang grupo.
“Ano ba ang pinagtalunan nila?” sabik na tanong ng isang miron.
Nangangalap daw ng boto si Kudeta Victim para magkaroon ng magandang puwesto ang isang comebacking senator at isa si Sulsoltant sa inaasahan niyang magiging kagrupo kasama ang dalawa pang senador, pero hindi pala ito maasahan.
Sa tindi ng sagutan nila, naiyak daw ang kasama nila sa pangkat na kung tawagin ay Berde Queen.
Ibig sabihin pala, maliban sa tatlong graduates, may tatlo pang mawawala sa 18 kabilang sa Remand Bloc sa 20th Congress.
Sigurado namang madaragdagan ito dahil sa pagpasok ng isang newbie senator na sagradong kakampi ni VP Sara.
Mukhang safe na sa Senate Presidency si Sen. Chiz Escudero sa pagbubukas ng 20th Congress, kung hindi mag-iiba ang ihip ng hangin.
Ang tanong na lang ay kung bibigay sa public pressure ang kanyang mga kaalyado lalo na’t nega ang kanyang imahe.
CLUE:
Minsan napaiyak ang isang ‘machong senador’ nang mapatalsik sa puwesto si Kudeta Victim.
Boy Dila naman ang isa pang bansag kay SulsolTant.
Ang luhaang Berde Queen ay naging bisyo ang tumula sa mga halaman at puno.
‘Yun Na!