Mon. Jun 15th, 2026

TINIYAK ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na ang imbestigasyon sa kaso ng missing sabungeros ay “quality, evidence-ready, and based on science.

Sinabi ni Vasquez na hindi nakatuon ang pagsisiyasat sa personalidad o grupo ng mga tao na, bagkus ay ayon lamang sa mataas na antas ng ebidensya

“Kaya nga i-take out ang personality. This investigation is not at all personality-driven or directed at a particular group of persons, ito ay ebidensya lamang, trabaho lamang ang hinahabol natin, at sinisigurado natin na kailangan lang under the case buildup rule, ‘yung mataas na antas ng ebidensya,” sabi ni Vasquez.

“Kailangan natin itaas ang antas ng ating criminal prosecution and investigation kasi mataas na rin ‘yung degree ng filing ng kaso, hindi na lang probable cause kundi prima facie evidence with reasonable certainty of conviction,” dagdag niya.

“Wala na ‘yung kakasuhan ka ng karakaraka lamang o harassment suit at weaponization of penal laws and frivolous cases,” anang DOJ official.

Magandang development aniya ang mga natuklasang “real evidence on the ground” na nagpapakita ng katotohanan at kapani-paniwala ang isiniwalat ng testigo.

“Nagkaroon ngayon ng pagkakataon para malaman ang buong katotohanan. Kasi dati-dati sabi storya lang, but it seems ngayon, it appears na mayroon nang supporting real evidence from the ground na nagpapakita ng katotohanan at kapani-paniwala na isiniwalat sa atin,” wika ni Vasquez..

Sinabi niya na masugid na susundin at bubusisiin ang mga ebidensya na dadalhin sa mga awtoridad upang malaman kung sino ang dapat managot sa pagkawala ng mga sabungero.

Kumukuha na aniya ng DNA samples mula sa mga kaaanak ng mga nawawalang sabungero upang ma-check sa mga narekober mga buto na nakasilid sa limang sa Taal Lake. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *