Fri. Aug 7th, 2026

Marami ang nagtataka sa kakaibang inaasta ng female staff ng isang kontrobersyal na solon.

Mistula raw anino ng kongresista ang female staff na kahit may kausap siya ay nakatunganga ito sa kanila.

Naaasiwa umano ang ilang nais makausap nang masinsinan ang mambabatas sa astahan ng kanyang female staff na masahol pa sa dyowa kung bakuran siya.

“May chika na utos ito sa female staff ng “kalaguyo” ng solon na super selosa,” sabat ng isang miron sa Batasan.

CLUE:

Ang “feeling binata” na solon ay nauugnay sa isang sikat na sexy star.

Habang ang kanyang female staff ay misis daw ng isang dating taga-showbiz na natutuwa tuwing sasapit ang Biyernes.

“Thank God It’s Friday,” ang paborito raw linyahan ng mister ng female staff.

‘Yun Na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *