Fri. Aug 7th, 2026
Sen. Risa Hontiveros

Ibinunyag ni Senadora Risa Hontiveros na nag-invest ang Government Service Insurance System (GSIS) ng mahigit ₱1 bilyon mula sa pondo ng mga kawani ng gobyerno sa DigiPlus Interactive Corp., isang kumpanyang nagpapatakbo ng mga online gambling platform.

Mahahalagang Punto mula sa Privilege Speech:

Ginawa ang investment noong mataas pa ang presyo ng DigiPlus shares sa ₱65.30 kada isa, ngunit bumagsak ito sa halos ₱13.68—na posibleng magdulot ng malaking pagkalugi.

Kinuwestiyon ni Hontiveros ang etika at legalidad ng paggamit ng pension funds sa industriya ng sugal, lalo’t ipinagbabawal sa mga empleyado ng gobyerno ang pumasok sa casino o makilahok sa anumang uri ng sugal.

Tinawag niya itong bahagi ng “pattern ng pabaya at kaduda-dudang investment decisions” sa ilalim ng pamumuno ni **suspended GSIS President Jose Arnulfo “Wick” Veloso**, na iniimbestigahan din kaugnay ng ₱1.4 bilyong deal sa Alternergy Holdings.

Nangako si Senador Erwin Tulfo na magsasagawa ng imbestigasyon sa Senado ukol sa investment ng GSIS sa DigiPlus, dahil sa posibilidad ng “kickback” o komisyon.

Hinimok niya ang Senado na muling repasuhin ang GSIS Act upang palakasin ang oversight, higpitan ang pamantayan sa investments, at tiyaking etikal at responsable ang pamamahala ng pension funds. (ROSE NOVENARIO)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *