š·: ACT | FB
Mariing kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang P1.45 bilyong halaga ng pondo ng pensyon ng mga guro at kawani ng gobyerno na inilagak ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga negosyo kaugnay ng sugal.
Sa isinagawang kilos-protesta sa harap ng GSIS main office ngayong araw, iginiit ng ACT na ang naturang pamumuhunan ay isang āmapanganib na sugalā na nagdulot na ng mahigit P250 milyong pagkalugi sa halaga ng investment, isang malinaw na pagtataksil sa tiwala ng publiko.
āHindi poker chips ang aming kontribusyon sa pensyon na basta-basta na lang isinusugal ng GSIS. Bunga ito ng dekadang serbisyo, kaltas sa kakarampot na sahod, at ipinagkatiwala sa GSIS para sa maingat at etikal na pamamahala. Sa halip, pinili nilang pondohan ang industriyang nakaugat sa adiksyon at pagsasamantala,ā pahayag ni ACT Chairperson Vladimer Quetua.
Dagdag pa ng ACT, lumalabas sa mga ulat na nilabag ng GSIS ang sarili nitong investment policies sa pagbili ng shares mula sa mga kumpanyang hindi umabot sa itinakdang market capitalization, at mas malala pa, bumili ito ng shares na hindi pa nakalista sa merkado noong panahon ng transaksyon.
Ayon sa grupo, ito ay nagpapakita ng paboritismo, korapsyon, at matinding kapabayaan.
āAng eskandalong ito ay nagpapakita kung paanong itinuturing ng mga pampublikong institusyong pinansyal, sa ilalim ng neoliberal na balangkas, ang pondo ng pensyon bilang pribadong kapital para sa spekulatibong kitaāhabang salat sa pondo ang mga serbisyong panlipunan,ā dagdag ni Quetua.
Nanawagan ang ACT ng agarang pag-pullout ng lahat ng pondo ng GSIS mula sa mga negosyo kaugnay ng sugal, at humihiling ng masusing imbestigasyon ng Kongreso sa mga iregularidad sa pamumuhunan at paglabag sa polisiya.
āDapat may mahigpit na pagbabantay sa pampublikong pondo ng pensyon upang matiyak na itoāy inilalagak sa mga produktibo, makabuluhan, at etikal na proyekto na tunay na nagsisilbi sa kapakanan ng mamamayan,ā giit ni Quetua.
Hinimok din ng ACT ang mga guro, kawani ng gobyerno, at mamamayan na manindigan: āIpanawagan natin ang pag-pullout ng mga investment na ito, papanagutin ang mga opisyal ng GSIS, at itulak ang mga batas na magtatanggol sa ating pensyon laban sa mapagsamantalang pamumuhunan. Hindi ibinebenta ang aming kinabukasanāat handa kaming ipaglaban ito,ā pagtatapos ni Quetua. (ROSE NOVENARIO)