Sat. Mar 14th, 2026

📷: Sen. Rodante Marcoleta | FB

 

Uminit ang tensyon sa Senado matapos buweltahan nina Senador Kiko Pangilinan at Ping Lacson si Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng imbestigasyon sa kontrobersyal na flood control projects.

Mariing itinanggi ni Pangilinan ang paratang ni Marcoleta at iginiit na kulang ito sa pananaliksik.

“Galingan na lang niya ang pag-iimbestiga,” matapang na tugon ni Pangilinan, matapos sabihing na-insulto umano si Marcoleta sa panukalang magkaroon ng independent commission.

Sumali rin si Lacson sa isyu, matapos tawagin siyang “epal” ni Marcoleta dahil sa privilege speech nito na naglalantad ng umano’y dagdag na anomalya sa proyekto.

“Ayoko ng away. Pero kung aawayin niya kami, aawayin ko rin siya!” giit ni Lacson sa isang panayam sa radyo.

Samantala, nagpahayag ng suporta sa independent commission si Sen. Erwin Tulfo, at iginiit na mawawalan ng tiwala ang publiko kung ang Kongreso pa rin ang hahawak sa imbestigasyon lalo’t may mga mambabatas na umano’y konektado sa anomalya.

“Hindi mawawala ang duda ng taumbayan kung Senado at Kamara pa rin ang mag-iimbestiga,” babala ni Tulfo.

Sa gitna ng bangayan, lalong lumalalim ang kontrobersya sa flood control probe at nagiging larangan na ito ng pulitika, kredibilidad, at kapangyarihan. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *