đ·: Navotas Rep. Toby Tiangco
Ibinulgar ng public interest lawyer na si Jesus Falcis ang umanoây tahimik na papel ni Congressman Toby Tiangco sa kontrobersiyang bumabalot sa mga flood control projects sa Navotas.
Isa sa mga contractor na tinukoy ni Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr. bilang âTop 15â sa flood control spending, ang Topnotch Catalyst Builders Inc. na pinamumunuan ni Eumir Villanueva, ay hindi dumalo sa pagdinig ng Senado at cited in contempt.
Sinabi ni Falcis sa isang Facebook post, halos â±4 bilyon ang inilaan para sa mga proyekto sa Navotas mula 2023 hanggang 2025. Ngunit sa kabila ng dambuhalang pondo, patuloy pa rin ang pagbaha sa lungsodâkahit kaunting ulan lang.
Ilan sa mga tinukoy na overpriced projects ay ang pumping stations na nagkakahalaga ng â±250ââ±260 milyon bawat isa at multi-purpose building na nagkakahalaga ng â±200 milyon.
âBahang-baha pa rin sa Navotas City kahit onting ulan lang,â ani Falcis. âGrabe ang overpriced projects!â
Binanggit ni Falcis ang pahayag ni Tiangco sa mga nakaraang linggo kaugnay sa flood control projects.
âImposible daw na hindi alam ng Congressman ang mga infrastructure and flood control projects sa distrito niya.â
Kung gayon, tanong ni Falcis:
– Alam ba ni Tiangco ang papel ng Topnotch Catalyst Builders sa mga proyekto sa Navotas?
– Ano ang koneksyon ni Tiangco kay Eumir Villanueva?
– Kamag-anak ba ni Senator Joel Villanueva si Eumir Villanueva?
Sa dulo ng kanyang post, hindi na nagpaligoy-ligoy si Falcis, âToby Tiangco, ok lang i-expose ang corruption ng Congressmen. Kaso baka gusto mo tumingin muna sa salamin.â (RRN)