Sun. Mar 15th, 2026

Sa gitna ng lumalalang kontrobersya sa mga flood control project ng gobyerno, nananawagan ang mga kabataan mula sa pinakamalalaking unibersidad sa bansa na “bahain ang Luneta” sa Setyembre 21, hindi ng tubig, kundi ng protesta laban sa korapsyon at nepotismo.

Pinangungunahan ang kilos-protesta ng Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance (TAMA NA), isang alyansa ng mga organisasyon mula sa mga paaralan sa kahabaan ng Taft Avenue, kasama ang Panatang Luntian Coalition ng mga kabataang environmentalist, at iba’t ibang student councils.

Ayon kay University of the Philippines Student Regent Dexter Clemente, isa sa mga lider ng matagumpay na walkout ng mga estudyante noong Setyembre 12.

“We are absolutely and unapologetically outraged by the large-scale thievery and shameless nepotism that is happening. We also see through the hyperpartisanship of the warring factions in power, the same traditional politicians who share the common DNA of corruption for personal gain.”

“We call on fellow young people and our elders to gather at Luneta on Sept. 21. Let us call out and condemn the politicians and contractors who wear different colors but worship the color of money, who steal out our people’s money,” dagdag niya.

Para kay DLSU Prof. David Michael San Juan, convenor ng TAMA NA, ang protesta ay bukas sa lahat ng tutol sa korapsyon, maliban sa mga tagapagtanggol ng mga tiwaling pulitiko.

“Remember, the anomalies in the flood control projects happened both in the Duterte and Marcos administrations. Puno na ang salop. Dapat managot ang mga kurakot! Kasuhan at ikulong ang guilty!”

Samantala, binigyang-diin ni Niña Fegi ng Panatang Luntian ang papel ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan at pananagutin ang mga opisyal na umano’y nagnanakaw sa yaman ng bayan.

“We are neither pro-Duterte nor pro-Marcos, we are the youth who cares for the environment. And protecting it means holding officials accountable for plundering our nation’s resources.”

Ang protesta ay may malawak na suporta mula sa mga lider ng simbahan at mga beterano ng kilusang anti-diktadura at anti-korapsyon, kabilang sina Bp. Gerardo Alminaza ng Diocese of San Carlos, Sr. Mary John Mananzan ng Movement Against Tyranny, direktor Joel Lamangan, dating PLM president Noel Leyco, aktibistang si Mae Paner (Juana Change), mga mamamahayag na sina Inday Espina Varona, Ma. Ceres P. Doyo, Neni Sta. Romana Cruz, Paulynn Sicam, at dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.

Sa kabila ng lumalawak na panawagan para sa transparency, nagbabala ang Palasyo laban sa mga grupong umano’y nais gamitin ang protesta para sa destabilisasyon.

“Ang dasal lamang po natin, itong kanilang pagsisintemyento ay huwag sanang sakyan ng ibang mga tao na hindi maganda ang naisin para sa gobyerno kung ‘di mag-destabilize,” ayon kay Palace Press Officer Claire Castro noong Setyembre 13.

Habang patuloy ang mga imbestigasyon sa mga umano’y ghost projects at substandard na flood control infrastructure, naninindigan ang mga kabataan at civil society groups: ang Luneta ay magiging entablado ng panawagan para sa hustisya, hindi para sa pagbabalik ng impunidad. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *