Sun. Mar 15th, 2026

📷: Bayan Muna Partylist | FB

 

Sa ika-53 anibersaryo ng Batas Militar, pangungunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang isang protesta mula Luneta patungong Malacañang upang kondenahin ang umano’y korap at pasistang rehimen ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Bahagi ito ng Baha sa Luneta mobilization na layong ilantad ang lumalalang katiwalian, kahirapan, at panunupil sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr., na ayon sa Bayan ay walang pinagkaiba sa pamumuno ni Rodrigo Duterte.

Binatikos ng grupo ang kontrobersyal na flood control projects, ang umano’y ghost projects na pinondohan ng bilyong piso, at ang pagpapalawak ng NTF-ELCAC na nagdulot ng red-tagging at pananakot sa mga komunidad.

Ayon naman sa Makabayan bloc, ang protesta ay laban sa korapsyon at hindi panawagan ng pagbibitiw ni Marcos. Babala nila, huwag gamitin ang pagkilos para sa layunin ng ibang kampo.

Libu-libong mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang inaasahang lalahok, dala ang panawagang: “Marcos-Duterte Walang Pinag-iba,” “Commander-in-Thief,” at “Bahain ng Protesta ang Korap na Sistema.” (JCNE)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *