đ·: Baha sa Luneta | Kodao Productions
Binabati ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang sambayanang Pilipino sa makasaysayang âBaha sa Lunetaâ at sa malawakang kilos-protesta na sumiklab sa ibaât ibang panig ng bansa kahapon. Umalingawngaw ang mga lansangan sa sigaw ng galit ng mamamayan laban sa katiwalianâisang patunay na ang pagkakaisa ay pinakamabisang sandata ng mga inaapi.
Ngunit ang pagpapakita ng kapangyarihan ng bayan ay sinalubong ng marahas na tugon mula sa estado. Marahas na dinispers ng mga pulis ang mga rally sa Ayala at Mendiola, binugbog ang mga nagpoprotesta, at nagsagawa ng arbitraryong pag-aresto. Sa pinakahuling tala, mahigit 130 ang inaresto, kabilang ang mga menor de edad. Marami ang nasugatan at isinugod sa ospital, at kinumpirma ang isang nasawi dahil sa pananaksak. Patuloy na ipinagkakait sa mga pamilya at abogado ang karapatang makabisita sa mga nakakulongâisang tahasang paglabag sa kanilang karapatan. Nanawagan kami para sa kanilang agarang pagpapalaya at ganap na pananagutan sa mga abusong ginawa ng mga pwersa ng estado.
Mahalagang maunawaan ang katangiang pang-uri ng karahasang ito. Hindi ito simpleng âsobraâ o âpagkakamali.â Ang katiwalian at karahasan ay likas sa sistemang burukratikong kapitalismoâisang sistema kung saan ang gobyerno ay ginagawang pribadong negosyo ng mga nasa kapangyarihan, at ang anumang pagtutol ay nilulupig upang mapanatili ang kanilang kapakinabangan. Walang saysay ang mga âanti-corruptionâ na pananalita ni Marcos Jr. hanggaât nananatiling buo ang pork barrel, confidential funds, at military slush budgets.
Makatarungan at lehitimo ang protesta ng mamamayan. Ang pagragasa ng kilos-masa mula Luneta hanggang Ayala at Mendiola ay salamin ng galit, pagkadismaya, at determinasyong lumaban sa bulok at tiwaling sistemang matagal nang sumasakal sa bayan.
Binansagan ng Palasyo na kriminal ang mga nagpoprotesta. Ngunit sino ba ang tunay na kriminal? Ang nagnanakaw ng bilyon sa ilalim ng tanggapan ng gobyerno, o ang lumalaban sa ganitong pagnanakaw? Sino ang tunay na âguloâ? Ang nagpapahirap sa buhay ng mamamayan sa pamamagitan ng katiwalian at panunupil, o ang humihingi ng pagkain, edukasyon, at katarungan?
Hindi nagtatapos sa isang rally ang laban ng bayan. Nanawagan kami ng tuloy-tuloy at mas pinaigting na mga protesta sa buong bansa hanggang sa mapanagot ang rehimeng US-Marcos sa katiwaliang nagpapagutom sa ating mga paaralan, ospital, at komunidad, at sa pasistang panunupil na ipinapataw sa mamamayan.
Nagsimula na ang baha. Hindi ito hihinto hanggaât hindi nakakamit ang hustisya at tunay na pagbabago.