Fri. Feb 13th, 2026

Magaling umano maghabi ng kuwento ang isang dating mambabatas at puwedeng ihanay ito sa mga pelikula sa Netflix, ayon sa isang mataas na opisyal ng gobyerno na kabilang sa mga umano’y nabiktima ng tinaguriang Boy Pasabog.

“Ginawang blangko ng Las Chismosas ang ilang salita sa mensahe ng High Govt Exec sa mga kasamahan niya upang makaiwas sa asunto,” paliwanag ng miron sa umpukan.

“I just watched the video of _____ and I tell u that ____ is a liar !!! grabe gumawa ng kwento yan and he did it to me,” sabi ng High Govt Exec.

Maliban aniya sa kanya ay alam din niyang nagin biktima rin ni Boy Pasabog ang dalawang mambabatas at dalawang kapwa niya mataas na opisyal ng Marcos Jr. admin.

“He made up stories against me and the other people at pang netflix yan mag kwento!!!  first of all if may instructions like that do you think a junior staff like _______ will be there??? no way,” giit ni High Govt Exec.

Batay aniya sa pagkakakilala niya sa pinakahuling opisyal na siniraan ni Boy Pasabog, imposible ang ibininintang na ginawa nito lalo na’t malawak ang kapangyarihang hawak nito.

“The ______ does not operate that way.  plus why does the ______ have to insert when sa kanya galing ang ____.. pwede na ng ___ ikarga sa ____,  ano need niya??”

CLUE:

Kilala sa sektor ng mamamalakaya ang pamilya ng High Govt Exec na minsan nang tinabla ang hirit sa kanya ni Boy Pasabog na pabor para sa kanyang negosyo.

Minsan nang nadawit si Boy Pasabog sa maanomalyang kontrata sa laptop ng isang kagawaran noong panahon ng pandemya.

Kamakailan ay inamin ng dating pinuno ng kagawaran na ginamit niya ang kanyang intelligence fund para alamin kung sino ang nasa likod ng maanomalyang kontrata sa laptop.

“Nag-usap kaya sina Gng. Lustay at Boy Pasabog tungkol sa laptop kaya siya nagtuturo habang nagtatago?” tanong ng miron.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *