Fri. Feb 13th, 2026

Ibinunyag ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson nitong Martes na nakatanggap siya ng impormasyon na ang kickbacks mula sa ₱100-bilyong budget insertions ay napunta sa ilang indibidwal sa Malacañang na nagpanggap bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinangalanan ni Lacson sina Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Carlos Bersamin at Education Undersecretary Trygve Olaivar, na kapwa nagbitiw na sa puwesto, bilang kabilang sa mga sangkot.

Ayon kay Lacson, ginamit umano ng dalawang opisyal ang pangalan ng Pangulo, dahilan upang maniwala ang nagbitiw na si Rep. Zaldy Co na para kay Marcos Jr. ang naturang kickbacks.

“Walang kinalaman ang pangulo, wala siyang natanggap na P25-B at wala ring delivery si Zaldy Co,” ani Lacson sa Senate budget interpellation.

Dagdag pa niya, batay sa impormasyon mula kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo: “Sabi nga ni Bernardo, imposible siyang mag-deliver ng 25% kasi ako ang nag-handle, ako ang nag-deliver ng P8-B. Saan kukuha ng P25-B si Zaldy Co?”

Ibinunyag din ni Bernardo na tumatanggap siya ng ₱5 bilyon kada taon mula sa kanyang boss na si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kapalit ng pag-aayos ng mga kickbacks sa mga proyekto ng imprastruktura. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *