Sun. Oct 6th, 2024

 

Ralph Recto

MANUNUMPA bukas bilang bagong kalihim ng Department of Finance si House Deputy Speaker Ralph Recto sa Malacañang.

Nabatid na kinompirma ng Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa GMA Integrated News ang pagpasok ng kanyang esposo bilang bagong miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Papalitan ni Recto si Benjamin Diokno na napabalitang itatalaga bilang bahagi ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nagsilbing BSP governor si Diokno bago hinirang na Finance secretary ni Marcos Jr.

Wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang hinggil sa usapin.

Noong pang Setyembre 2023 unang lumutang na papalitan ni Recto si Diokno sa DOF. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *